NAKALUHOD ako habang umiiyak na nakatitig ako sa puntod ng Tatay nila Teofelo. Alam ko ang lugar na ito dahil dito ko unang nakilala si Teofelo noon. Ang musuleo ng mga De Asis. “Tin-tin, huminahon ka. Kailangan muna nating makausap sila Teofelo tungkol dito,” pag-aalo sa akin ni Devine. Pero hindi ko mapigilan na hindi umiyak habang nakatitig pa rin ako sa puntod ng tatay ni Teofelo. Hindi ko alam kung alam na ba nila Teofelo ang bagay na ito. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Teofelo ang natuklasan ko kung sakaling hindi nila alam. “Papaano ko sasabihin kay Teofelo na pawala na ang sumpa, na kasama rin sila sa inayos ni Mirasol. Paano ako?” umiiyak pa rin ako. Para pa nga akong pumapalahaw habang nagsasalita. Hindi ko pansin na madaling araw na, na halos pasikat na nga

