Palinga-linga ako sa loob ng coffee shop dahil hindi ko makita si Vee ang sabi ko sandali lang ako pero ngayon ay wala na siya. Umupo na lang muna ako sa isang bakanteng mesa at hinintay siya baka kasi nagpunta lang ng rest room. Ilang minuto pa ang hinintay ko pero wala pa rin siya, tatayo na sana ako upang dumulog sa rest room nang pigilan ako ng isang waiter. "Sir, ikaw po ba si Lucho Austria?" tanong nito sa akin. "Yes," tugon ko naman agad. "Pinapabigay po ni Ma'am Vee sa inyo," wika niya sabay abot ng nakarolyo na papel sa akin. I furrowed my forehead as I take the paper from him. Ano kaya ito? "Salamat," pasalamat ko na lamang sa kanya at muling umupo sa couch. Kaagad ko namang binuksan ang papel at binasa ang nakasulat. Goodbye, Lucho Salamat sa mga sandaling pinagsamahan

