"Sexy, naparito ka?" tanong niya na nagpauntag sa makamundo kong isipan. "Sabi mo naglalaba ka kaya ako na lang pumunta tsaka para na rin makita ko talaga ang apartment mo," tugon ko naman agad. "Sensos lang ang peg?" pabirong tanong pa niya na ikinatawa naming dalawa. "Oh halika pasok ka." Niluwagan nito ang pintuan upang makapasok ako at kinuha rin niya ang bit-bit kong mga supot. "Ano ba 'tong mga dala mo, sexy?" tanong pa niya sabay lapag ng dalawang supot sa dining table nila. "Food," simpleng tugon ko. "Naku nag abala ka pa pero salamat," pasalamat niya. "Ano ba gusto mo juice o, kape? Wala kaming tea hindi uso sa amin," natatawang saad niya. "No I'm good," turan ko. "Oh siya diyan ka lang muna at sandali na lang din naman ang labahin ko, feel at home ka lang," bilin pa nito

