Nandito na kami ni Lucho sa sarilling kwarto niya rito sa hotel at kasalukuyan akong nakaupo ngayon sa bar counter habang hinihintay namin ang inorder niyang ice cream. "Thank you, Vee," sensirong pasasalamat nito sa akin. "Thank you saan?" tanong ko sa kanya sabay pulupot ng aking mga braso sa kanyang batok. "Kanina kasi naiintindihan mo ako," tugon niya at inipit pa nito ang iilang hibla ng aking buhok sa likod ng tenga ko. Naghuhurumintado na naman tuloy ang puso ko nang wala sa oras. Kakainis naman oh! "Siyempre no? Baka bawasan mo ang bayad mo sa akin," pabirong tugon ko naman sa kanya. Natawa naman agad kaming dalawa ngunit hindi ko naman pinaghandaan ang sunod nitong ginawa. Isang maingat at masuyong halik kasi ang ginawad nito sa noo ko hindi ko alam kung thank you kiss pa ba

