Kasalukuyan na kaming kumakain ngayon dito sa dining area ng bahay nina sexy ang sasarap ng lasa ng pagkain nila tamang-tama lang lahat ang timpla. "You know how to cook, Vee?" biglang tanong sa akin ni Anthonette. "Oo pero konti lang," tugon ko naman agad. Hindi naman kasi ako kagalingan pagdating sa kusina pero sa paglilinis naman ng buong bahay ay kayang-kaya ko. "Punta ka dito 'lagi para makapagluto tayo ng sabay," nakangiting turan niya. Ang bait naman niya. "Oo nga naman, Vee para magkabisita rin kami," pag sang-ayon naman ni Ma'am Laureen. "Sige po susubukan kapag hindi po ako busy," tugon ko naman agad. "Sige sabi mo iyan ha? Lucho, huwag kang epal kapag pinapunta dito ni Anothonette si Vee," wika naman ngayon ni Cherish kay Lucho at may halong pambabanta pa sa boses niya.

