CHAPTER 2

1588 Words
KINABUKASAN, tila isang kawawang bata ngayon si Demi habang nakaupo sa couch habang magkaharap kami ngayon. Tulad nang sinabi ko kagabi ay pinagsabihan ko nga ito tungkol sa kalokohan nilang dalawa ng jowawers niyang pakboy. "Alam mo, Demi kung tutuusin masyado ka pa ngang bata para sa mga ganyang bagay, e pero hinayaan lang kita dahil alam kong iyon ang magpapasaya sa'yo." "Demi, ang higit na inaatupag mo sana ngayon ay ang pag-aaral mo at hindi pag n-nobyo sa kung sinu-sinong lalaki lang." "Ate, hindi naman po kung sinu-sino lang si, Ketchup, e." Alam kong mahal na mahal ni Demi si Ketchup pero hindi naman yata tama ang ginagawa ni Ketchup sa kanya. At tignan mo pangalan pa lang ng jowa niya halatang hindi na pinag-isipan ng mga magulang niya. Ka pangalan pa talaga niya ang aso ng kapitbahay namin. "Kung hindi ko na talaga mababali iyang desisyon mo sa buhay ay wala na rin akong magagawa pero ang hinihiling ko lang sana sa'yo, Demi ay huwag mong pabayaan ang sarilli mo, gets mo?" Marahan lamang itong tumango bilang sagot sa aking tanong. Siguro naman ay sapat na ang mga pangaral ko sa kanya at nasa sa kanya na iyon kung susundin niya ba ako o, hindi. Ayoko lang naman kasing mapahamak siya lalo na't nasa puder ko siya. Pagkuwa'y nagpasya na akong kumain na kami dahil tapos na rin naman ang sermon session ko sa kanya. "Gusto niyo ba gisingin ko si Ate Timmy, Ate Vee?" tanong niya sa akin sabay upo sa upuan na nakalaan para sa kanya. "Ay hindi na hayaan na lang muna natin siya," tugon ko naman agad. Alam ko kasing pagod na pagod din ang kaibigan kong si Timmy at hindi ko na nga alam kung anong oras na ito nakauwi. "Kumain ka ng marami alam kong napagod ka kagabi, " makahulugang sabi ko. "Ate!" nahihiyang tugon naman niya agad sa akin. "Asus! Nahiya pa pagkalakas-lakas kaya ng ungol mo kagabi, girl," nanunudyong turan ko naman. "Tsaka nakakapagod naman kasi talaga ang ginawa ninyo kagabi, e," dagdag ko pa. "Ate, tama na please," pag-awat na nito sa akin at pulang-pula na ang buong mukha nito. "But, seriously speaking, Demi safe ka ba or, kayo? Hindi ka pa pwedeng mabuntis, Demi dahil masyado ka pang bata at may trabaho ba iyang ketchup na iyan kung sakali mang mabuntis ka nga?" magkakasunod kong tanong sa kanya. "Sa labas naman po pinuputok ni Ketchup ang ano niya kaya malabo pong mabuntis ako," tugon naman niya sa nahihiya pa rin nitong boses. "Buti naman kung ganun pero, Demi ha? Uulitin ko lang bawal na kayo ulit dito mag s*x dahil hindi motel ang apartment natin, intiendes?" muling paalala ko pa sa kanya. Kaagad naman itong tumango bilang tugon at kasunod nu'n at kumain na kami agad. Pagkatapos naming kumain ay si Demi na ang nag presintang maghugas ng pinagkainan namin at naglinis ng buong bahay. Kaya naman umakyat na lang ako sa aking kwarto upang maglinis din doon. Nasa kalagitnaan na ako ng paglilinis nang biglang tumunog ang cellphone ko kaya naman tinigil ko muna ang aking ginagawa upang sagutin ang tawag ni Sir Macoy siya kasi ang tumatawag sa phone ko. "Hello, Sir Macoy? Good morning po," magalang kong bungad sa kanya. "Alam mo na, Vee," tugon naman agad niya sa kabilang linya. Knows ko na. Someone pays for my service kaya rarampa na naman mamaya ang beauty ko. "Magkita tayo mamayang alas tres sa Luch's" muling turan ni Sir Macoy sa kabilang linya. Namangha ako dahil sa binanggit nitong lugar. Ang Luch's Hotel and Resorts kasi ang pinakasikat at pinakamahal na resorts sa buong asya. Kaya paniguradong mayaman pa sa mayaman ang magiging kliyente ko mamaya at sa wakas ay makakapasok na rin ako sa Luch's. Pangarap ko kasing makapasok doon dahil ang sabi nila ay napakaganda daw ng lugar at maihahalintulad mo raw ito sa ibang lugar. Na excite tuloy ako. "Sige po, Sir salamat po," pasalamat ko naman agad kay Sir Macoy at kaagad na rin nitong tinapos ang aming pag-uusap. See you in a bit Luch's KINAHAPUNAN, alas dos pa lang ng hapon ay naghanda na ako hindi lang dahil excited ako masyado kundi dahil isang oras pa ang byahe ko papuntang Luch's. Malayo nga ito ngunit sulit naman kung nakarating ka na sa lugar na iyon, pagkatapos kong maligo ay kaagad na akong nagbihis. Simple lang ang sinuot ko dahil si Sir Macoy pa lang naman ang kikitain ko. Pinagsadahan ko muna ang kabuuan ko sa malaking salamin na narito sa loob ng kwarto ko. "Ganda babae," puri ko sa aking sarilli habang may ngiti sa aking mga labi. I always remind myself in front of the mirror how beautiful I am. Mas maganda kasi kapag ikaw mismo ang pumuri sa sarilli mo, parang baliw lang 'di ba? Pero sa tuwing pinupuri ko kasi ang sarilli ko ay gumagaan ang loob ko at nakakaya kong gawin ang lahat. Nang makuntento na ako sa aking sarilli ay lumabas na rin agad ako sa aking silid at bumaba. At bago ako tuluyang lumabas ng bahay ay sinigurado ko munang sarado ang lahat ng bintana at patay lahat ng appliances namin. Umalis kasi kanina ang dalawa kaya ako ang naiwan sa bahay kanina pa. Nang masigurado ko na ang lahat ay tuluyan ko ng nilisan ang apartment at sakto naman paglabas ko ng gate sa aming compound ay dumating na rin ang taxi na binook ko. Kaya sumakay na agad ako at kaagad na rin kaming umalis. Makalipas nga ang isang oras ay narating ko na ang Luch's at pagkababa na pagkababa ko pa lang ng taxi pakiramdam ko ay nasa ibang lupalop na ako mundo. So elegant. Kamangha-mangha talaga ang lugar puro kulay berde ang paligid na nakakaginahawa at nakakagaan sa pakiramdam. Mala palasyo rin ang style ng hotel at maririnig mo rin ang alon mula sa dagat ang sarap naman manatili rito. "Ma'am, pwedeng-pwede po kayong pumasok mas maganda pa po sa loob lalo na po sa beach," wika ng isang staff na siyang nagbalik sa aking diwa. "Ay sige po may kikitain din po kasi ako rito, e," tugon ko naman agad sa staff. Inasisst naman ako nito papasok ng hotel at tama nga siya maganda rin dito sa loob. It's a modern luxury type. Grabe lang! Ngunit napaayos ako ng tayo nang makita ko na si Sir Macoy na papalapit sa pwesto ko. "Let's talk in private, Vee," seryosong wika niya, at saka nagpatiuna sa paglalakad. Kaagad ko naman itong sinundan at pumasok kami sa isang silid na sa tingin ko ay isang lounge pero hindi naman dahil wala namang mga music instruments dito. Tanging mga couch at maliit na center table lang naman ang narito pero ang ganda lang ng idea. Ang talino nang pagkakagawa. Bahagyang binuksan ni Sir Macoy ang kurtina na nakatabon sa maliit na bintana at matatanaw mo sa bintana ang kagandahan ng dagat at ang napakalaking yate na kulay itim. Ngayon lang ako nakakita ng itim na yate ngunit napakaganda nito. "Vee, mamaya magkakaroon ng masquerade party sa yateng iyan," wika ni Sir Macoy sabay turo sa yate. "At isa sa mga guest diyan mamaya ang bumili sa serbisyo mo. You know what to do, Vee nakahanda na rin ang mga susuotin mo ihahatid kita roon maya-maya." Hindi ako makapaniwala sa mga sinabi ni Sir Macoy, tila nakakalula ang mga mangyayari. Parang isang panaginip lang. "Hindi lang basta guest ang bumili sa serbisyo mo, Vee dahil ang nag-iisang Lucho Austria lang naman ang bumili sa'yo." Kaagad namang kumunot ang noo ko sa binanggit na pangalan ni Sir Macoy dahil hindi ko kilala kung sino si Lucho Austria. "Sir Macoy, pasensiya na po ha? Pero s-sino po si Lucho Austria?" nahihiyang tanong ko sa kanya. "Are you serious, Vee?" natatawang tanong naman agad nito sa akin. At kung tignan ako ni Sir Macoy ay parang sinasabi nitong ako lang yata ang hindi nakakakilala kay Lucho Austria. E, sa hindi naman kasi talaga. "Opo, Sir hindi ko po talaga siya kilala promise," giit ko pa. "Si Lucho Austria lang naman ang may-ari ng Luch's." Nanlaki agad ang mga mata ko at napaawang ang mga labi ko dahil sa sinagot ni Sir Macoy. Seryoso ba siya? Na pressure bigla ang beauty ko. My god! Naputol ang nakakalula kong pag-iisip dahil sa isang katok mula sa pintuan, kaagad namang iyong binuksan ni Sir Macoy at isang babae ang bumungad sa amin. "Sir Macoy, Sir L wants to talk to you," magalang na wika ng babae kay Sir Macoy. "Sure, pero hatid ko lang muna itong si Vee sa kwarto niya then pupuntahan ko agad si Sir L, " tugon naman ni Sir Macoy sa babae. Kaagad nga kaming lumabas mula sa room at hinatid muna ako ni Sir Macoy sa kwartong tutuluyan ko ng sandaling oras pagkatapos ay iniwan na ako nito. May mga nakapatong ng mga kahon sa ibabaw ng kama at malamang iyon na ang mga gagamitin ko mamayang gabi. Ngunit may napansin akong sticky note sa ibabaw ng isang malaking kahon, kinuha ko agad ito at binasa ang nakasulat. See you tonight, Baby. -Mr. Sexy Wow! Hangin. Imbes na kabahan ay natawa na lamang ako sa nakasulat. Siguraduhin lang talaga ng lalaking ito na sexy siya at pinagpala dahil kung hindi ay pagtatawanan ko talaga siya mamaya pero kung tunay ngang sexy siya at hindi ma reach ang level ng kagwapuhan niya ay isa lang din ang masasabi ko. Humanda ka sa akin, Mamang Sexy!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD