CHAPTER TWO

1110 Words
KUMAKAIN ako ngayon ng dinner kasabay sina mommy at daddy. Minsan ko lang kasi sila makasama sa pagkain kaya sinusulit kona. Lagi kasi silang gabing gabi na umuwi at sobrang aga lagi kung umalis. "Mom! Dad! Magpapaalam po sana ako na magdorm nalang sa school" pagpapaalam ko. Nabanggit kasi nila Sam at Angel na may dorm sa School para nadin malapit lang at di nako mahirapan pagpapasok sa school. "Okay! Pero wag kang gagawa ng kalokohan at tigilan mo ang pagiging malandi mo" masungit na sabi ni Mommy. "Payag din ako pero kagaya ng sinabi ng mommy mo wag kang gagawa ng kalokohan at baka madungisan ang pangalan company ko." Sabi naman ni daddy. "Sabagay! Okay nadin yun wala karin namang silbi sa bahay nato eh kaya mas mabuting dun kana tumira" natutuwang sabi ni mommy at lumabas na ng kusina kasama si daddy. Naluluha kong sinundan ng tingin ang magulang. Lagi naman silang ganyan eh. Lagi nalang kung ano ano masasakit na salita ang naririnig ko sa kanila. Minsan nga iniisip ko na baka di talaga nila ko tunay na anak dahil lagi nalang ganyan ang trato nila sakin. Simula nung bata ako hanggang ngayon lagi nila kong sinasaktan phisicaly and emotinaly. Kaya mabuti narin siguro na magdorm ako atleast hindi na nila masyadong kontrolado ang buhay ko at magagawa ko narin ang gusto ko. Pagtapos kong kumain ay nagpunta narin ako sa kwarto ko para ayusin ang mga gamit ko dahil gusto ko naring lumipat agad. Nang matapos ay tinext ko lang sila Sam at natulog narin ako dahil maaga pa ako bukas. PAPUNTA na ako sa Dean's office para sabihin na kukuha ako ng dorm at makapag bayad na din. May bayad din kasi ang dorm dito. Kumatok muna ako para naman magalang padin haha. "Come in!" Sabi ng boses lalaki. Binuksan ko naman ito at pumasok na. "Good morning po!" Sabi ko ng hindi nakatingin dahil tumunog ang cellphone ko. Nagtext pala si Angel na tutulungan daw nila kong maglipat. Nagreply lang ako ng okay at tumingin na sa dean. "Gusto ko po sa nang magdo-" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko at gulat na napatingin dito. "Good morning too Irish!" Nakangiting sabi nito. Napaayos naman ako ng tayo at nahihiyang tumingin dito. Waahh! Si Sir Knight pala yung dean ng School. "Ano nga ulit yung sinasabi mo?" Natatawang sabi nito. "Gusto ko po sanang magdorm." Nakangiting sabi ko. "Pili ka nang ng room number na gusto mo" Sabi nito at binigay sakin ang map kung saan makikita ang mga dorm. "Saan po ba yung maganda yung tanawin?" Tanong ko kay Sir Knight. "6th floor Room no. 52 maganda at malawak" nakangiting sabi nito. "Bakit paraang 5 lang yung room sa 6th floor samantalang 10 kada floor naman yung iba?" Nalilitong tanong ko. Tumawa naman ito bago sumagot. "That because its investor floor room." Sagot nito. "Pero bat yun yung sinabi mo?" Naguguluhang tumingin ako dito. Tumayo naman ito at unti unti lumapit sakin. Natataranta naman akong umaatras kada lumalapit ito. "Dun kana lang magroom. Katabi lang yun ng room ko." Sabi nito ng makorner niya ako. "Baka magalit sila?" Nagaalangang sabi ko. "Don't worry ako naman nagbigay sayo ng room nayun. Remember kami ang may ari ng school nato" Sabi nito. "Okay!" Pagpayag ko."Pero bakit ang bait bait mo sakin?" Nahihiyang tanong ko. Nanigas naman ito sa kinatatayuan nito at gulat na tumingin sakin. "Da-dahil kaibigan na kita diba?" Sabi nito. Ay! Kala ko may gusto siya sakin eh hehe. Masyadong assuming . "Okay! Salamat Sir Knig-... Knight pala. Lilipat nadin ako ngayon" Nakangiting sabi ko. "Samahan na kita" Suggest nito. Agad naman akong umiling. "Wag na! Kaya ko na, Maganda na nga yung dorm na binigay mo eh" Sabi ko dito. "Okay, sabihin mo lang kung may maitutulong pako" nakangiting sabi nito. "Salamat sobra sobra na yung naitulong mo" matamis akong ngumiti dito. Pinagusapan lang namin ang mga dapat bayaran. Nung una ayaw pa niyang pabayaran pero pinilit ko parin siya dahil sobra sobra na yung naitulong niya tyaka ang unfair naman sa iba na ang ganda na nga ng dorm ko tapos libre pa. Kaya sa huli ako parin ang panalo. Kung hindi noya lang sinabi na ginagawa niya to dahil magkaibigan na kami iisipin ko talagang may gusto siya sakin haha. Pero alam ko naman na hanggang magkaibigan lang kami dahil teacher siya at student niya ko kaya hindi pwede. Isipin ko palang yun nalulungkot nako dahil alam ko sa sarili ko na nagkakagusto nako sakanya dahil sa mga ipinapakita niya. Siguro iniisip niyo na masyadong mabilis dahil kakakilala lang namin pero para sakin kasi basta naramdaman ko to alam kong hindi nako makakawala. Hay! Tama na nga to. Susulitin ko nalang ang mga oras na kasama ko siya. NANDITO nako sa dorm at ang masasabi ko lang ay sobrang ganda. Maluwag yung sala at kusina. May dalawa ding kwarto para siguro sa bisita at bawat kwarto ay may sariling cr pero meron din naman sa tabi ng kusina. Naayos ko na ang mga gamit ko at pagod na pagod talaga ako. Di na nga rin ako nakapasok dahil tinapos ko na para wala nakong iisipin pa. Tutulungan din sana ako nila Sam pero may biglaang emergency sa bahay nila Sam at si Angel naman ay may lakad kasama ng magulang nito. Minsan naiingit din ako sakanila dahil sila mahal sila ng magulang nila di katulad ko na laging basura ang tingin ng magulang ko sakin. Di ko namalayan na umiiyak na pala ako. Ni minsan di ko naramdaman ang pagmamahal nila na parang bula lang ako sa harap nila pero pag may kailangan sila ako lagi ang ginagamit nila. Umiiyak akong napasigaw at nabangga ang picture frame dahilan nang pagkabasag nito ng may marinig akong tinig sa aking isip. 'Hindi ka mahal ng magulang mo' 'Payag din ako pero kagaya ng sinabi ng mommy mo wag kang gagawa ng kalokohan at baka madungisan ang pangalan company ko' 'Sabagay! Okay nadin yun wala karin namang silbi sa bahay nato eh kaya mas mabuting dun kana tumira' 'Masarap to batang bata whaaahah' 'Samin kana hindi ka mahal ng magulang mo' "Tama na please!!! Mommy!! Daddy!! Tulong!!!" Umiiyak na sigaw ko habang nakahawak sa ulo ko. Tuloy tuloy parin ang tinig na naririnig ko. 'Dugo, gusto ko ng dugo. Gusto kong makakita ng dugo' "Ano ba!! Tama na!!!" Nanginginig kong kinuha ang basag na salamin galing sa picture frame na nabasag. "H-hindi!! H-hindi!!" Umiiyak na sabi ko at hindi ko nanga napigilan at hiniwa ko ang wrist ko gamit ang basag na salamin. "Please!! Tama na!!!" Huling sabi ko bago ako lamunin ng dilim.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD