CHAPTER 1

1050 Words
MASAYANG BUMANGON ng kama si Euna dahil halos sampung oras ang tinulog niya pagkaraan ng tatlong araw na straight duty sa trabaho bilang nurse sa isang pribadong ospital. Nag-iinat syang naupo sa kama saka bahagyang kinusoit ang mga mata dahil nasilaw siya sa sinag ng araw na nagmumula sa bintana. Napangiti naman sya nang maamoy ang nilulutong pagkain ngt kanyang ina. Amoy sinangag at tuyo ang kanyang naaamoy. Masigla syang bumangon at inayos ang kama saka lumabas ng sariling kwarto. Nakangiti syang nagtungo sa kusina kung nasaan ang ina. “Ang bango naman ng niluluto mo, mama,” aniya saka yumakap dito na abala sa paghuhugas ng kamay. Ngumiti lamang ito sa kanya saka sya bahagyang tinulak paupo sa silyang bakante. “Maupo ka na riyan at nang makakain tayo. Tatawagin ko lang ang papa mo,” anito saka nagpunas ng kamay at lumabas ng bahay. Dinampot nya ang tinidor saka kumuha ng isang hotdog at saka iyon sinubo. Narinig nya ang masayang tawanan ng kanyang mga magulang na papasok sa kanilang bahay. Nginitian nya ang mga ito saka nilagyan ng sinangag ang mga plato ng mga ito. “Ako na, anak,”ani mama nya pero inilayo nya ang hawak na pinggan at pangsandok. “Ako na po. Maupo na akyo ni papa,” sagot nya. “Ang sweet naman ng baby girl naming,” wika ng papa nya sabay tingin sa esposa. “Ito talaga ang gusto ko, e. Ang day off nya para naman nakaka-bonding natin sya,” dugtong pa nito. “Oo nga, e kaso masyadong tutok sa trabaho itong prinsesa natin.” Ngumiti na lamang sya. “Kumain na po tayo. Salamat po sa pagkain,” aniya saka sila nagsimulang kumain. Solong anak lamang si Fleur Anastacia ng mag-asawang Floor at Agustin Santiago. Hindi sila mayaman pero masasabi nyang simple ang pamumuhay niya kasama ang mga magulang. Gusto nya kasing makaipon at makapagpundar ng sarili nilang bahay kahit na may bahay silang tinitirhan ngayon. Hindi naman nila kasi masabing sa kanila bahay na tinutuluyan nila dahil katiwala lang doona ng kanyang mga magulang. Tatloong taon na syang nurse at sa edad na bente tres, marami na syang naipon para sa mga ito pero alam niyang hindi pa rin sapat iyon para makapagpatayo ng bahay. Nasa mansion sila ng pamilyang Diaz. Ang mga ito ay nakatira base sa United States mula noong siya ay kinse anyos pa lamang kasama ang solong anak nitong si Primitivo Diaz. NAGSUSUKLAY SYA ng mahabang buhok nang lumabas ng silid. Katatapos lamang nya maligo at naabutan nya ang mga magulang na nagkukwentuhan sa kusina. “Kailan daw ang uwi nila?” tanong ng kanyang ama. “Baka sa susunod na linggo. Wala pa raw katiyakan dahil hinihintay pa nila Shiela ang desisyon ng doctor,” wika ng kanyang ina na umiinom ng kape. Kunot ang noo nya habang kumukuha ng tubig sa ref. Hindi nya ugaling making sa usapan ng mga magulang pero napukaw ng mga ito ang atensyon nya at dahil narinig nya ang usapan ng mga ito, napuno ng kuryosidad ang kanyang isip. “Sino pong naospital?” tanong nya nang tumabi sa kanyang ina. Uminom sya ng tubig saka tiningnan ang oras sa kanyang cellphone. Alas diyes pa lamang ng umaga. “Si Ivo, anak,” sagot ng ina nya na bakas ang pag-aalala sa mukha. Lalong kumunot ang noo nito. “Oh, napano si Ivo?” balik na tanong nya. Kaibigan niya si Ivo bago ito umalis pa-United States. Humarap ang kanyang ina sa kanya. “Naaksidente si Ivo dahil hinabol daw ang fiancé nitong umatras yata sa kasal.” Literal na napanganga sya dahil sa narinig. Nanlalaki ang mga mata at hindi makapaniwala sa narinig. “Paanong naaksidente? Grabe naman!” aniya pa. “Bumangga raw ang kotseng sinasakyan nitong kotse at napasukan ng salamin ang kanang bahagi ng mata ni Ivo,” malungkot ang mukha ng mama nya ang nagkukwento. Nrinig nyang pumalatak ang ama nya. Hindi sya kaagad nakakibo dahil sa narinig. Gulat na gulat sya dahil sa pagkakaalam ni Euna, isang engineer si Ivo ngayon sa United States. Friends kasi sila nito sa f******k at alam nya ang mga ganap nito sa buhay. Gumapang ang nararamdaman nyang awa para sa kababata. Mabait kasi ito at alam nyang pangarapo nitong maging engineer noong bata pa lamang sila. At paniguradong nasasaktan iton ngayon dahil naapektuhan ang paningin nito dahil sa aksidente. “So, uuwi na po sina Ma’am Shiela?” tanong nya. Tumango ang mama nya. “Oo raw. Ang sabi sa akin ay ditto na muna magpapagaling ang anak nila. Grabe, nakakaawa naman ang batang iyon. Ang gwapo pa naman at ang bait.” “Ang talino rin,” dugtong pa ng kanyang papa. Hindi na sya kumibo, tama kasi ang kanyang mga magulang. Bukod sa gwapo ito, matalino at ubod pa ng bait. Nakaramdam sya ng inis sa babaeng dahilan kung bakit nahihrapan at nasasaktan ngayon ang kanyang dating kaibigan. “MAMA, PAPASOK na po ako,” aniya. Alas otso ang pasok nya sa trbaho at pang-umaga ang shift nya. Sa Pedia ward sya naka-assign kaya naman nagmamadali sya pumasok. Marami kasing mga bata ang mga naging kaibigan na nya. Hindi nya alam kung matutuwa ba sya o hindi dahil iinom lamang ang mga ito ng gamut kapag nakita sya at kung siya ang magpapainoim. Malapit kasi sya sa mga psyente nya dahil wala syang kapatid. Ang lahat ng mga ito ay tinuturing nyang nakababatang kapatid. “Mag-iingat ka, anak,” ani mama nya at hilikan sya sa pisngi. Humalik sya sa kamay nito bago lumabas at nadaanan ang kanyng ama na abala sa pag-didilig ng mga alaga nitong halaman sa garden ng mga Diaz. “Pasok na po ako, papa,” paalam nya rito. “Sige na, anak. Mag-iingat ka.” Nagsusuklay sya nang buhok hanggang sa makalabas sya ng buhok. Doon na lang sya sa ospital magtatali ng buhok. Kulay puti ang uniporme nya na tinernuhan ng putting stockings at sapatos. Tumigil sya sa sakayan ng jeep upang maghintay ng masasakyan. Tiningnan nya ang sariling repleksyon sa dumaang sasakyan. Napangiti sya nang makit ang sarili. Natural na mahahaba ang pilik-mata ng kanyang mga mata at mapungay ang mga mata. Ang ilong nya ay sakto lang, hindi pango, hindi rin matangos. Madalas na kainggitan iyon ng mga kaibigan nya dahil ang ilong nya ay maganda at tama at sakto sa hulma ng knayang mukha. Ang kanyang labi ay manipis lang din na khait walang lipstick o liptint, mapula na talaga. Ang kulay nya ay hindi rin kaputian pero hindi naman maitim. It’s natural complexion. Tama lang din ang height nya ay 5’2 lamang pero hindi naman sya nagrereklamo doon. Masaya sya sa kung anong binigay ng Diyos sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD