Gean's pov KUMATOK ako sa gate ng bahay nina Tita Monica pero tahimik ang buong bahay. Sunod-sunod akong nagdoorbell. Iyon ang unang beses na pumuta ako sa bahay ng aking mga kapatid. "Tita!" sigaw ko pero wala kong sagot na narinig. Aalis na sana ako nang makarinig ako ng mga pagdaing at pagsigaw at tinig iyon ng isang babae. Bigla akong nataranta. "Tita Monica?" sigaw ko pa. Sunod-sunod angs pagsigaw na aking narinig kaya nataranta na ako. Kaagad akong umikot sa buong bahay upang makahanap ng daan lalo na at doon ko naririnig ang mga pagdaing at tanga nga ako. Nakita ko si Tita Monica sa may laundry area at nakahiga ito sa sahig. Bukas ang gate sa likuran ng bahay kaya nakapasok ako at dinaluhan ito. "Are you okay?" natataranta kong tanong. "Ang sakit! Ahhhh!" sigaw pa nitong hawak

