Edna's pov WALANG mapagsidlan ang tuwa nadarama ko sa pagbabalik ni Juancho sa aming buhay. Hindi ko lubos akalain na buhay pa pala ito. Akala ko kanina ay katapusan na naming lahat pero nang makita ko si Juancho na buhat-buhat ng isang lalaki ay naglaho lahat ng aking takot at napalitan iyon ng labis na kasiyahan. Nagkaroon ako ng bagong pag-asa. Hindi ko mapigilang hindi madurog ang aking puso nang makita kong may mga tama ito ng bala sa hita. "Akala ko ay wala ka na at tuluyan na kaming iniwan," wika ko pa kay Juancho. "Mabuti nalang at may nakakita sa akin dahil kung wala ay tiyak na wala na ako ngayon. Sa sinapit ko kay Pinuno ay hindi naging madali. Traydor siya Edna. Pinagtangkaan niya ang buhay ko. Hindi ko lubos akalain na magagawa niya sa akin ito. Oo, may kasalanan tayo sa

