Rebecca's pov PAKIRAMDAM ko ay karma na itong dumarating sa amin lalo na sa akin dahil marami akong bagay na nagawa na alam kong sa una palang ay mali na, tulad na lang nang magpakasal sa isang lalaking kailanman ay hindi ako iniibig. Nagpakatanga ako nang magpakasal kay Calixto, akala ko kapag kasal na kami ay matutunan niya rin akong mahalin pero nagkamali ako dahil ang lahat pala ay isang akala lang dahil kailanman ay hindi niya talaga ako minahal. Masakit man isipin na ginamit ako ni Calixto para sa kanyang pangarap at hinayaan kong gamitin niya ako. Sa kabila nun ay alam ko naman na mabuting tao ang aking asawa. Akala ko dahil hindi kami magkaanak kaya hindi niya ako magawang mahalin pero hindi pala dahil mahal pa rin nito ang dating kinakasama na si Monica at kailanman ay hindi nak

