Xavier's pov KAHIT malayo ko lang na natatanaw si Gean ay panatag na ako. Ang mahalaga ay alam kong nasa mabuti ang kanyang kalagayan. Kahit nasa malayo ako ay alam kong umiiyak siya habang hinahanap ako. Nang makagawa ako ng pagkakataon na makababa ng Santa Monica ay si Gean kaagad ang naisip ko. Gumawa ako ng paraab para makasulat at para malaman nito na ligtas ako. Alam ko kasi na labis ang pag-aalala nito nang hindi ako makaligtas. Gustuhin ko rin na magpakita rito ay hindi pa oras. Marami pa akong dapat gawin. Napanood ko rin ang interview ni Olive at ng ama nito at alam kong ang akala ng mga ito ay patay na ako. Pagkatapos kong magtungo sa Santa Monica ay nagtungo ako sa San Joaquin---sa aking bahay. Kailangan ko ng pera at armas para sa aking mga kasama. Kailangan ko silang prote

