CHAPTER THIRTY- SIX Ryan’s pov TULAD ng pangako ko kay Papa ay tutulong kami para mahanap ang aming kapatid na si Gean. Lahat ng mga kaibigan ko sa PNP ay gustong tumulong sa akin at maging ang mga kaibigan ni Ryan at Ricky ay ganoon din. Ilang linggo nang nawawala si Gean at hindi pa rin ito nakakabalik. Hawak ang mapa ay ibinabagi ko sa mga kasama ako ang aming gagawing paglalakbay. Nasa bahay kami ng mga oras na iyon. “Ito ang mapa ng kabundukan kung saan huling nakita si Gean at ang lalaking kasama niya na si Xavier,” wika kong itinuro ang lugar kung saan ginawa ang medical mission at pagsugod ng mga tulisan. “Nakakatitiyak ako na nasa gitna lamang sila ng bundok at nagtatago. May tip kaming nakuha na nakatakas sila sa mga tulisan at kasalukuyang nagtatago. Hindi sila makababa ng Sa

