Omar's pov PAGKABILI namin ng ilang kailangan na bilin ni Xavier ay mabilis na kaming tumalima ni Yael upang bumalik sa bundok lalo na at naghihintay na sa amin si Pinuno. Hindi pwedeng pagdudahan kami sa aming ginagawa. Kilala namin kung magalit si Pinuno. Wala itong pinipili. Papatay ito kung kailangan. “Kailangan nating maidaan ang lahat ng pinamili natin kay Gean. Walang pwedeng makakita na may dala tayong ganito,” ani pa ni Yael sa akin. “Sige.” Sa tagal namin sa bundok ay alam na namin kung saan pwede dumaan. Iyon nga lang may mga pagkakataon na may nakakasalubong kaming mga kasamahan. Hinihiling ko na nga lang sana ay walang makakita sa aming paglalakbay pauwi at baka makarating pa kay pinuno na marami kaming dala-dala. Ang iba nga naming pinamili ay iniwan namin sa isang lugar

