Gean's pov NAPABALIKWAS ako ng bangon ng magkamalay ako. Hindi ko na alam kung ano ang mga sumunod pang nangyari. Pagdilat ko ay mukha kaagad ni Nanay Edna ang aking nakita. Nag-aalala itong napatingin sa akin. Ayokong isipin na totoo ang mga nangyayari. Ayokong isipin na wala si Xavier. "Nananaginip lang ako," sigaw ng isip ko. Hinahanap ng mga mata ko si Xavier pero wala siya at tanging ang mga kasama ko lamang ang aking kasama na nasa paligid ko lamang at nakaupo. Ang ilan sa mga ito ay may benda ang mga braso, hita at kung saan-saan pang parte ng katawan. "Nay!" tawag ko kay Nanay Edna. Umiiyak na ako kaya nilapitan ako ni Ryan. "Balikan natin si Xavier, Nay. Hindi pwedeng maiwan siya doon. Balikan natin siya parang awa niyo na," pagmamakaawa ko kay Nanay Edna. "Gustuhin man na

