Rebecca's pov HINDI ko na napigilan ang aking sarili at tinawagan ko si Monica gusto kong makibalita kung may update ito sa mga anak nito na naghahanap ngayon kay Gean pero ayon kay Monica at hindi rin tumatawag ang mga anak nito ay nag-aalala rin ito. Three weeks na ang nakalipas simula ng mawala si Gean kaya naman labis na akong nag-aalala, bagamat naibsan iyon nang malaman kung nakatakas ang mga ito ay hindi pa rin ganun kakampante ang aking isipan. Habang tumatagal kasi pakiramdam ko ay lalo siyang nalalagay sa kapahamakan. Alam ko naman ginagawa ni Calixto ang lahat para makita lamang ang aming anak pero wala pa ring nangyayari. Natawag ko na nga rin yata lahat ng santo para makatulong sa amin pero wala pa ring sagot. Wala pa rin kahit anino ng aking anak. Kahit nasa ospital ako ay

