NAPABALIKWAS ako ng bangon nang hindi ko makita si Gean sa aking tabi. Napahimbing ang aking pagtulog kung kaya inumaga na ako ng gising. Binalot ng kaba ang aking puso lalo na at wala akong narinig na kahit anong ingay sa paligid ng bahay. Hindi na ako nag-abala pang magsuot ng tshirt at hinanap ko na kaagad si Gean pero bigo ako. Wala si Gean. Pumunta ako sa taniman sa pagbabakasakali na nandoon ito pero wala. Lumakas lalo ang kaba na nadarama ko. Hindi ko malaman ang gagawin ko. Kakagising ko pa lang pero tagaktak ang pawis ko sa mukha. Hindi ko naman magawang isigaw ang pangalan niya at baka may makarinig sa akin. Kahit maliit lamang ang bahay na aming tinutuluyan ay inikot ko iyon ng ilang ulit. Pati ang silong ng bahay ay hindi ko pinatawad. Nasa silong ako ng marinig ko ang boses ni

