Santi’s pov HINDI KO MAPIGILANG hindi magtaka sa ikinikilos ni Papa. Palagi kasi itong wala sa bahay at lingid sa aking kaalaman na hiwalay na ito at si Mama dahil hindi naman sinabi sa akin ni Papa kung ano na ang nangyayari sa mga ito. Ang alam ko lang ay nagbabakasyon si Mama sa US. Ang totoo ay hindi pa naman ako doctor dahil nag-aaral pa rin ako. Ayoko naman talagang mag-doctor pero iyon ang gusto ni Papa para sa akin. Napasulyap ako sa cellphone ko nang tumunog iyon. Si Martha ang tumatawag. Naging magkaibigan na kami simula nang maganap ang pagbihag kay Gean at Xavier. Ang totoo unang kita ko pa lang ay Gean ay nagkaroon na ako ng atraksyon sa kanya. Something about her appearance moved my heart in a way I had never felt before. Pakiramdam ko ay matagal ko ng kilala si Gean. Ang g

