Rebecca's pov "ALAM MONG HINDI PWEDE!" bulalas ko kay Wilson nang malaman ko na may gusto si Santi kay Gean. "Kausapin mo yang anak mo. Hindi pwede ang gusto niya, dapat pagsabihan mo siya Wilson. Malaking problema yan kapag nagkataon. Hindi siya pwedeng magkagusto kay Gean. Wala akong balak na sabihin ang totoo Wilson----ang tungkol sa kanyang pagkatao. Naitago ko na sa mahabang panahon at patuloy kong itatago iyon. Ayokong masaktan ang anak ko, nagkakaintindihan ba tayo?" "Pinipigilan ko naman si Santi sa kanyang gusto. Isa pa ginagawa ko ang lahat Rebecca at wala rin akong plano na ipaalam kay Santi ang tungkol sa totoo pagkatao ni Gean. Pinoprotektahan ko rin ang aking pamilya lalo na ang sasabihin ng side ng misis ko. Masisira ang reputasyon ko kapag nagkataon. Ayokong maisip ng pa

