Xavier’s pov MAAGA pa lang ay nasa bahay na namin si Nanay Edna at may dala itong kung ano-ano tulad ng bigas at de lata. Sa edad nito ay marunong itong sumakay sa kabayo at iyon ang gamit nito upang pantuhan kami ni Gean at dalhan ng supplies. Nakakahiya man isipin pero sobra-sobra ang ginagawa ng pamilya nito para sa amin. “Kumusta kayo rito? Wala naman bang naliligaw rito?” tanong pa ni Nanay Edna sa amin habang tinutulangan ko siya sa kanyang mga dala. “Wala naman po,” sagot ko. “Mukhang ligtas naman po itong lugar namin.” “Mabuti kung ganun…Pasensya na kayo at ilang kilong bigas lamang ang dala ko dahil wala rin kaming bigas sa bahay at ilang de lata lamang ito,” nahihiya pa nitong wika sa amin. “Sobra-sobra na nga po ang ibinibigay ninyo sa amin. Wala naman po kayong obligasyon

