Omar’s pov TULAD ng bilin ni Tatay ay sinasamahan namin si Nanay kay Gean para ipagtapat sa kanilang kapatid ang totoo. Tulad ni Papa ay gusto ko na rin na malaman ni Gean ang totoo para naman kahit paano ay hindi na nahihirapan pa si Nanay na itago ang totoo. “Yael,” tawag ko sa aking kambal kaya tumingin ito sa akin. “Sumahan mo na muna ako,” ani ko pa kaya tumalima naman ito. Saglit kaming nagpaalam kay Nanay at Gean na abala sa pagluluto. Si Xavier kasi ay nasa bukal at nag-iigib. “Bakit?” tanong ni Yael nang makalayo kami. “Bigyan na muna natin sila ng pagkakataon para makapag-usap. Bumalik na muna tayo ng bahay,” ani ko pa. Umalis nga kami ni Yael. Nasa kalagitnaan na kami papuntang kuta nang biglang sumulpot si Mang Ramon. Kaibigan ito ni Papa. Nagtataka pa ako at humahangos ito

