Xavier's pov HINDI ko mapigilang hindi mapangiti habang sabay sabay kaming kumakain. Paano ba naman nagulat si Gean nang sabihin ko mahal ko siya, maging ako ay nabigla rin pero huli na para bawiin ko pa dahil totoo naman ang aking nararamdaman. Mahal ko na si Gean. Naramdaman ko yun ng minsang magkasakit ako at hindi niya ako iniwan. Ang pagkataranta niya at pagmamahal ay naramdaman ko ng mga oras na iyon. Alam kong totoo ang nararamdaman ni Gean para sa akin at ngayon ko lang yun naramdaman. Ang pahalagahan. "Anong meron?" tanong ni Yael sa akin. Manok na nilaga ang ulam namin. Mauubos na ang alaga namin manok dahil iyon ang madalas na ulam namin sa araw-araw. Mabuti na lamang ay nakapamili si Omar at Yael ng stocks bago pa nagkaproblema kaya sa ngayon ay wala kming problema sa bigas a

