Yael’s pov KANINA pa kami ni Omar na naghihintay ng pagkakataon na mawala ang mga pulis sa labas ng bahay nina Gean upang sana maibigay namin ang sulat na ginawa ng kanilang kapatid. Hindi naman kami pwedeng lumapit at ilagay sa mailbox ang sulat at baka magtaka ang mga pulis lalo na at kakapadala lamang ng sulat ni Pinuno na naglalaman ng ransom. Pinahiram sa kanila ni pinuno ang motor nito na nagsisilbing service nilang dalawa. “Maibibigay pa kaya natin ‘yan?” tanong sa akin ni Omar. “Dalawang oras na tayo rito. Mukhang wala naman yatang balak na umalis ang mga pulis na ‘yan.” “Kaya nga. Huwag mong aalisin ang facemask mo. Gagawa ako ng paraan. Gustuhin ko man na magbayad ng tao para ibigay ang sulat natin ay hindi ko naman magawa at baka mamukhaan pa tayo at maituro tayo kay Pinuno.

