Rebecca's pov "ALAM mo nagtataka lang ako kung bakit nakarating kaagad kina George ang tungkol sa pagdating nina Gean. Hindi ko tuloy mapigilang hindi maisip na may nagsasabi sa kanila tungkol sa nangyayari rito," wika ko kay Wilson. "At sino naman ang magsasabi? Sa dami nating empleyado rito sa hospital ay hindi maiwasang magkaroon ng alingasaw ang mga itinatago," sagot pa ng lalaki sa akin kung kaya napaisip ako. "Kahit na...Ako pa rin ang boss nila kaya hindi dapat sila gumawa ng kahit anuman na labag sa pinag-uutos ko. They should respect me as a boss and do what I say.” "Alam mo naman ang social media ngayon, Rebecca. Hindi rin natin napipigilan ang mga mangyayari. Isa pa kilala mo si George, marami siyang kilalang tao at hindi na ako magtataka kung isa sa mga tao rito ang traydor

