Ryan’s pov SUNOD-SUNOD ang aming ginawang paghagis ng granada upang hindi kami masundan ng mga taong humahabol sa amin. Magtatago na sana kami pero may ilang kalalakihan kaming nakasalubong sa daan kaya wala na kaming choice kundi ang makipaglaban. "Bilisan natin at baka masundan pa nila tayo." Mabilis ang mga kilos namin. "Sa tingin ko naman kuya ay naubos natin sila," sagot sa akin ni Richard. "Hindi tayo makakasiguro dahil pwedeng may dumating pa silang mga kasamahan. "Tama si Ryan, sigurado ako na magtatawag ng mga kasamahan ang mga 'yon para balikan tayo," ani pa ni Tatay Juancho na buhat-buhat ni Anjo. "Kaya bilisan na natin ang mga kilos natin at baka maabutan pa tayo," wika ko pa sa akin mga kasamahan. Mabuti na lamang at walang nasaktan sa amin. "Matagal pa ba tayo Tatay Ju

