Edna's pov TANAW ang kalangitan ay pumapatak ang aking mga luha. Hindi ko mapigilang hindi maisip si Juancho. Hindi ko man lang nakita ang kanyang katawan, hindi ko man lang siya maipagluksa ng maayos. Alam kong maging ang aking mga anak ay nagdurusa dahil hindi man lang namin nahawakan ang katawan ni Juancho bago siya nawala. Ayoko mang aminin sa aking sarili pero gusto kong pumatay ng tao. Gusto kong gumanti. Gusto kong magbayad si Pinuno sa kanyang ginawa pero bilang isang ina ayokong itanim iyon sa aking mga anak. Ayokong balutin ng galit ang puso ni Omar at Yael. Ayoko rin silang mapahamak dahil marami pa rin ang tauhan ni Pinuno at hindi namin kakayanin na pabagsakin siya. Nakakalungkot lang isipin na namatay ang aking asawa na wala man lang ako sa kanyang tabi, ngayon ko lang nap

