Gean's pov PAG-UWI ko ng bahay ay kasama ko na si anay Edna at Tatay Juancho maging ang dalawa kong kapatid na si Omar at Yael. Ayaw pa nga sana ng mga ito pero wala ring nagawa dahil sa pagpupumilit ko lalo na at ayon kay Omar ay nagbilin si Xavier dito na pwede itong tumira sa bahay nito sa San Joaquin. Napuntahan ko na rin naman na ang lugar na iyon at alam ko naman din ang lugar na iyon kaya walang problema kung sakali man na lumipat sila isa pa---iyon ang love nest namin ng lalaki pero sa ngayon gusto ko munang sa Santa Monica muna sila kasama ko. Hindi naman ako nahirapan na papayagin si Mama Rebecca at Papa Calixto dahil ang mga ito pa nga ang nagpumilit na isama ko ang aking tunay na pamilya sa aming bahay. Kung si Mama Rebecca nga ang masusunod ay gusto nitong sa bahay na laman

