Nag commute lang ako papunta sa school ngayon. Ayun kay Haussen kailangan daw naming magpanggap sa school na hindi na kami okay alang-alang sa nararamdaman ni Cassandra. Nirespeto ko naman ang desisyon niya dahil ayaw ko na baka isipin nitong makasarili ako. Malapit na ang kanilang kasal, hindi na siguro ako dadalo dahil masasaktan lang ako doon kapag makita ko silang nagkikising scene. Bumaba na ako sa jeep at pumasok ng Univesity. Nagulat ako ng may humablot sa kamay ko. "Phoeb," ani ni Sandra. Kasama niya si Fiona at nakatingin sa akin. Simula ng nag-away kami ay hindi ko na sila pinansin. Actually, hindi naman talaga away nagkaroon lang ng kaunting tampohan. "Hindi mo pa ba kami kakausapin? Sorry na about sa nangyari noong nakaraan na araw. Hindi naman namin sinasadyang i offend ka n

