Sinigurado ko na magsisi si Haussen sa pagtataboy niya sa akin. Matapos niya aking gamitin at pagsawaan ganoon nalang kadali sa kanya ang lahat. Mugto ang aking mga mata sa kakaiyak buong gabi. Si Sandra naman todo comfort sa akin pero wala pa ring pagbabago. Nandito ako ngayon sa harap ng salamin at tinititigan ang aking sarili na halos hindi ko na makilala. Habang naglalagay ako ng lipstick sa aking bibig ay hindi matigil ang pag-agos ng aking mga luha. "Phoeb, kagabi kapa ganyan. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko sa'yo. Magagalit ang mga magulang mo kapag malaman nila ang tungkol sa iyo at kay Haussen," ani ni Sandra. Pinunasan ko ang aking mga luha at humarap sa kanya. "Ang sabi niya sa akin hindi siya magkakagusto sa isang kagaya ko. Tulungan mo akong pagandahin ang sarili k

