Sinundo ako ni Lance sa bahay para mag dinner date. Pagkalabas ko palang ay nakatulala at nakanganga na ito habang nakatingin sa akin. Medyo nahihiya ako sa kanya habang tinatakpan ko ang legs ko at dibdib. Ano ka kasing damit 'to? Kunting galaw ko lang baka lalabas na agad ang mga tinatago ko. Nakayuko lang ako habang papalapit kay Lance, siya naman nakasandal sa kanyang sasakyan at nakatitig sa akin. "Oh, bakit hindi ka nakatingin sa akin? Huwag mo sabihing nahihiya ka sa suot mo," aniya. "Nahihiya nga ako Lance, wala naman kasi aking damit na isusuot kaya nanghiram ako. Masyado bang revealing? Ayaw mo ba sa ganito?!" tanong ko pa sa kanya. Hinawakan niya ako sa braso at ngumiti sa akin. Napaka gwapo naman ni Lance kapag nakangiti. Parang kaunti nalang ay makakamove on na talaga ako

