Bago ako pumasok sa University ay pumunta muna ako sa kwarto ni Samdra para mapangamusta ang kanyang anak. Gusto ko din siyang kausapin tungkol sa tatay ng anak niya kung si Winter nga ba o ang kanyang stepdad. Naabutan ko siyang nagpapalit ng diaper ng baby niya at ngumiti siya sa akin ng makita niya ako. "Goodmorning Sandra, kamusta ng tulog niyo kagabi ni Baby? Hindi ko siya narinig na umiyak ah," sabi ko. Napangiti ito habang nakatingin sa kanyang anak. "Oo nga eh ang bait niya talaga. Mana siguro sa akin mabuti nalang at hindi niya ako pinapahirapan." Napasulyap siya sa suot ko. "Papasok kana ba? Masyado pang maaga ah, alas sais palang. Hindi ba basta araw ng Miyerkules alas Diyes naman nagsisimula ang klase natin?!" aniya. "Ah...si Lance kasi niyaya niya akong magpasyal sa bahay

