Sunkenin City
Champagne's POV
Napabalikwas ako at napahawak sa aking dibdib. Mabilis ang t***k ng aking puso at napakabigat ng aking pakiramdam.
Nasaan ba ako? Ano bang nangyari?
Teka?! Yung nangyari sa La Telmene?! Si Azure?!
Luminga linga ako pero dahil sa ginawa ko ay sumakit na naman ang aking ulo.
Ugh.
Hindi pamilyar sa akin ang lugar na ito. Hindi rin malambot ang inuupuan ko ngayon. Hindi rin gaanong maliwanag dito.
Tiningnan ko ang aking kamay. May benda iyon at kaunting bahid ng dugo ko.
Hindi panaginip ang lahat? What the heck?
"Chammy you're awake!" boses iyon ni Teal.
Nakita ko siya na lumalapit sa akin at may dalang pagkain.
"What happened? Where are we? Si Az? Si Sol? Yung dalawang babasng Elementals?" sunod sunod kong tanong.
"Nasa Sunkenin City tayo Astrid." pakiramdam ko ay nabunutan ako ng tinik sa aking lalamunan.
"May! Asan si Papay? Si Erine?" niyakap ako ni Mamay at hinagod ang aking likod.
"They're fine. Mabuti at sumama si Tangerine sa amin kagabi." kagabi? So umaga na ulit ngayon? Ngunit wala akong makita ni katiting na sinag ng araw!
Sunkenin City?
"Teal hijo, ikaw na ang magpaliwanag kay Astrid. Kailangan ko ng pumunta sa pagpupulong. Supervise here okay?" baling ni Mamay kay Teal.
"Tangerine's with Chillie and Maroon. Better take care of them. And I'm so proud of you, on what you did for the two Elementals. Rest well and take care too. Me and your Papay love you, all of you. We will protect you with all our powers." hinalikan ni Mamay ang aking noo bago umalis.
Masyado atang occupied ang isipan niya. She forgot to check my wound.
"Kagabi pa nakabantay sayo si Tita at Tito. It's just that kailangan nilang magplano ngayon." umupo sa tabi ko si Teal.
"Care to explain?" tumango siya sa akin saka nag-abot ng isang sandwich.
"Sunkenin City lies beneath our grounds. The map was made by Grandpa while Primos helped to make this. Ang balita ko buong underground ng Arkaios ang sakop nito." napanganga ako sandali.
Nasa ilalim kami ng lupa ngayon? Ngunit nagkaroon ng bitak kagabi dahil sa pagyanig!
"We are deep down Chammy. The monsters can't find us. At yung nga bitak ay hindi nakaapekto dito." tila nabasa niya ang aking iniisip.
Napakagat ako sa aking pagkain.
"Monsters?" dahan dahan siyang tumango.
"That's what I can call them. Iilang Elementals lamang ang nailigtas. Mabuti na lamang ay mayroong sumunod sa Primos papunta sa gubat. Ngunit ang halos karamihan ay namatay na dahil sa pangangain sa kanila ng mga nagwawalang creatures sa itaas." halos masuka ako ng maalala ang nangyari kay Draco, sa kamay ko at sa iba pang Elementals.
"Teka wala bang makakapuntang creatures dito?!" alalang tanong ko.
"Wala. Matagal ng naclear ang Sunkenin City pati ang mga Zones nito." sagot ni Teal.
"Wait. Bakit may sila gumawa ng Sunkenin City?" tanong ko kay Teal.
"Grandpa's crazy idea and dream but hey this one saved us." pilyong sagot niya.
Natahimik kaming dalawa at natuon ang atensyon ko sa pagkain. Kahit na unti unti akong nawawalan ng gana, I still need to eat.
"Walang nakakaalam kung bakit nangyayari ito." nagsalita muli si Teal.
"Then we can find its reasons!" halos isigaw ko na iyon sa kanya.
Mabuti na lamang at parang nakahiwalay ako sa mga Elementals, kundi baka nagising ko na sila.
"How? Hindi tayo palalabasin dito." kumuyom ang mga kamao niya.
"Something's in my mind Teal. Hula ko lamang ito pero baka makatulong. What I need is evidences." naoabuntong hininga si Teal.
"Curiosity can kill you Chams." paalala niya sa akin.
"Curiosity can but doing nothing can also. And that's worst than dying in a battle." buo na ang desisyon ko.
Kailangang hindi ako pangunahan ng aking takot. Kung wala akong gagawin, para ko na ring hinayaang hukayin nila ang libingan ko. Might as well do something to fix this sht.
Napagmasdan ko ang nga sugatang Elementals na natutulog at ang ilan ay kumakain. Nagbibigay galang sila sa amin ngunit dama ko na nanghihina na sila.
"Who treated my wounds Teal?" I asked him.
"Azure. Sino pa ba?" kinagat ko ang aking pang-ibabang labi.
Mga torches ang nagbibigay ng liwanag dito sa lugar namin. May iilang mga halamang may bunga habang ang iba ay papatubo pa lamang. May isang maliit na pond akong nakita. At nahahati ang tulugan dahil sa mga batong inilagay doon upang maging pader.
Parang ganito rin iyong Fierylisia Hall ngunit mas malalim siguro ito kumapara doon.
Natanaw ko si Tangerine na kalaro ang kasing edad niyang si Chillie. Si Maroon ay karga ni Carlie habang si Azure ay pinapakain ang kapatid niyang si Cerulean. Si Flax ay kinakausap ang kapatid niyang si Lemon.
"Oh my Chammy!" tumakbo si Carlie palapit sa akin at niyakap ko sila ni Maroon.
"Ate!" niyakap ko ang aking kapatid.
"Ayos ka na ba?" tanong ni Flax at tumango ako.
Tumikhim si Azure at lumapit ako sa kanya.
"Thank you, for saving me again." halos ibulong ko na iyon sa kanya.
"You always play like a heroine Astrid. I hate it when you get hurt but I admire you for your bravery." sumulyap siya sa akin sandali at muling sinubuan si Ceru.
"Hi Ate Chammy!" bati nito sa akin at ginulo ko ang kanyang buhok.
"Eat well baby." tumango siya sa akin.
"Nakita mo na si Slate?" narinig ko ang boses ni Teal.
"Oo. Andoon kasama sila Myrtle kumukuha ng damit at ibang supplies." sagot ni Silver at inilapag ang mga prutas na dala niya.
"Chams! Maayos ka na ba?" tanong niya ng makita ako.
"Oo okay na." I answered him at natanaw ko sila Myr at Bubble kasama ang mga kapatid nila pati si Slate.
"Chammy! Pinag-alala mo kami!" sinabunutan ako ng bahagya ni Bubblegum.
"Sorry." tumungo ako ngunit narinig ko ang tawa ni Myrtle.
"Napakapasaway mo talaga! Basta ka susugod ng wala man lang plano?" iyon ang sinabi ni Myrtle. "But I'm so happy that you're okay now." yumakap siya sa akin.
Nakigaya si Bubble at pati na rin sila Mint at Rosette, mga kapatid nila.
Lahat nga kami ay first borns, pati si Teal. Teka nasaan ba ang kapatid niya?
"Teal where's Em?" tanong ko sa aking pinsan.
"Emerald? Sht. Azure where's Em?" natatarantang tanong ni Teal.
Kung hindi ba naman iresponsableng kapatid itong pinsan ko.
"Probably nasa Isolated Room. She said she wants to see her Eidolon." agad nagtatakbo si Teal papunta sa sinasabi nilang Isolated Room.
"Wait, ano yung Isolated Room?" tanong ko.
"Our Eidolons are getting wild too Chammy." nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Silver.
"Getting wi... what?!" hindi iyon maproseso ng utak ko.
"Kagaya ng mga creatures, nagiging agresibo rin sila. At unti unti namumula rin ang mga mata nila." sagot ni Bubblegum.
Teka nasaan si Carlie?
"Carlie?" I called her.
"She followed your ugly cousin." sagot ni Azure at sinimangutan ko siya.
Tumayo ako ngunit agad na hinawakan ni Az ang palapulsuhan ko.
"Where do you think you're going?" tanong niya sa akin.
"I'll follow Teal. I also want to check on Sol." napailing sa akin si Azure.
"I'll come with you." tumayo rin siya ngunit hindi pa rin binibitawan ang aking kamay.
"Guys, kayo muna dito." tumango naman sila Flax, Silver, Myrtle at Bubblegum.
Tsk. Feeling boss ang isang ito.
Yumanig ng bahagya ang lupa at nakita kong nagkaroon ng harang iyong nilabasan namin ni Azure. Naging isang kwartong sarado tuloy ang kinalalagyan ng aming mga kapatid.
Halos gising na ang mga Elementals na bumabati sa amin sa tuwing dadaan kami ni Azure. I haven't seen the two Elementals we managed to protect.
Pero saka ko na sila hahanapin. Nangangamba ako para kay Sol.
Umiiyak si Em ng makita namin at pilit na kinakalampag ang pinto ng Isolated Room.
"Gusto kong makita si Rigel!" this time si Teal ang hinahampas hampas niya.
"Emerald! Shut up! Stop being a brat here!" binuhat ni Teal ang kapatid niya at pinasan sa kanyang balikat.
Walang sali salita ay naglakad na paalis si Teal na sinundan muli ni Carlie.
Napatingin ako kay Azure.
"No Ast, you shouldn't open that." tsk. Mind reader din ba itong kasama ko?
Umiling ako at agad naglabas ng isang Dagger na gawa sa aking kapangyarihan.
Gumawa ako ng parihabang cut doon sa pintuan at agad ko iyong nabutas.
Iyak at ungol ng mg Eidolons namin ang naririnig ko.
"Solace!" I called out his name.
Unti unti ko siyang naaninag ngunit ang itsura niya ay tila galit, habang ang mga mata ay malapit ng naging kulay pula ng tuluyan.
"Champagne." kinilabutan ako sa boses niya.
Humikbi siya, at nakita ko ang pagbabago ng ekspresyon niya. Lumambot iyon, at ganoon din ako.
"Solace! What's happening to you little jerk?" ramdam ko ang mga luhang gustong tumakas mula sa mga mata ko.
"Tulungan mo ako Chammy, kaming lahat! Nakabantay siya sa atin! Sinisigaw niyang patayin namin kayo! Inuutos niya iyon! Gusto niyang angkinin ang Arkaios!" biglang tumalon si Solace papunta sa butas na ginawa ko at napaupo ako sa lupa dahil sa gulat.
"Astrid! I told you! Don't be a hard headed here!" inalalayan ako ni Azure upang makatayo.
Naririnig ko pa rin ang pagwawala ni Solace. Kinilabutan ako
Mula sa kamay ni Azure ay mayroong tumulong tubig. Ilang sandali pa ay naging malambot na tila clay ang lupang nasa gilid niya.
Lumuhod siya at ipinorma iyong parihaba saka iniharang sa butas na ginawa ko.
"Come on let's go back." inalalayan ako ni Azure ngunit sa ibang direksyon kami dumaan.
"Saan tayo pupunta?" tanong ko.
"This is just a different route. I want to know if the meeting is already done." tumahimik ako sa kanyang sinagot.
Gusto ko ring malaman ang napag-usapan ng Primos, Cardinals, Infinitius at iba pang dakilang Elementians.
"What if this is the after effect of the Crisis? We know that what we only solved is the problem itself but not its root!" I heard my Papay angry voice.
Parehas kami ng hinala ni Papay! Pano kung ito nga ang bunga ng Crisis? No one dared to know more about it. Wala ng naghanap ng kasagutan o ng pinagmulan ng Crisis years ago.
Naramdaman ko ang paghila ni Azure sa akin.
"Someone might see us Astrid." lumingon pa ako ulit sa kwartong nagsisilbing Meeting Hall ngayon.
Hindi maaaring mangibabaw ang takot sa akin. Not now. I've been showing the world that I'm strong for years! I can't lose my grip now, not even tomorrow or the other day. Maybe never.