TOM - 22

1404 Words
Hungry Kumoriju Champagne's POV Ang sarap talagang itapon ng compass na ito. "Bakit babalik na naman tayo sa Kanluran? Dapar sa Waterlus na tayo nagtuloy!" maktol ni Teal. Napairap ako, my cousin's right. Pinapahirapan ata kami. "Wala tayong magagawa kundi ang sumunod." sagot ni Silver na kinakaladkad ang kanya Ash Dualsword. "Tama si Silver." pagsingit ni Carlie at nagtiim bagang si Teal. "He's always right for you, ano ang laban ko?" napakagat sa kanyang pang-ibabang labi si Carlie habang si Teal ay naunang maglakad. Napairap ako. Dinadagdagan lang nila ang init ng ulo ko. "You don't have to ruin your face by frowning, I'm always here to make you happy." ugh. Madali kong sinundan si Teal dahil ayokong kulitin ako ni Azure, baka masapak ko siya ng malakas. "Lagi nalang Silver. Kahit umamin na ako, wala pa ring epekto sa kanya." pagmamaktol ni Teal. Hindi na ako umimik pa dahil alam kong kailangan niya lang ng isang taong makikinig sa kanya, hindi iyong pangangaralan pa siya. "Dyan talaga sa loob?!" tanong ni Bubblegum habang nasa b****a kami ng isang kweba. "Yeah, Kagerou Cave." I told them. "Hoy ayoko dyan! Balitang isinumpa yan dahil sa dating tirahan iyan ng Kumoriju!" bulalas ni Myr. "I thought you don't believe in those stories anymore?" nakita ko ang kakaibang titig ni Flax kay Myrtle. Sumunod ang awkward na katahimikan. "Let's go." gumawa ng Floating Flames si Carlie at dinagdagan iyon nila Silver at Teal ng Floating Lights upang maging gabay namin sa loob ng madilim na cave. Tingin ko naman ay nahimasmasan na si Teal, I shouldn't worry anymore. "Malayo pa ba?" hingal na sabi ni Silver at sinimulang kaldakarin ang kanyang espada. Sa pagkiskis noon sa lupa ay lumikha iyon ng tunog na masakit sa tenga. "Hey, stop tha....." "Duck guys! Batpires!" hindi na naituloy ni Teal ang sasabihin niya dahil sa pagsigaw ko. Dumapo ang isa sa aking braso at agad ko iyong hinampas ng aking Scepter palayo bago pa man ako makagat. "They have poisons! Remember that!" sigaw ni Azure. Kanya kanya kami ng atake sa mga Batpires na nagnanais na makatikim ng aming dugo at laman. "We're almost done!" sigaw ni Myrtle na kasama si Bubblegum at Flax. Nagpakawala ako ng mga Black Spears na siyang tumusok at tumapos sa mga Batpires na nakaharang sa harapan ko. Nagkalat ang mga sariwang dugo ng Batpires at ang mga katawan nilang walang buhay sa paligid namin. "Who's hurt?" tanong ko pero lahat sila ay umiling maliban kay Azure na naglakad papalapit sa akin. "Oh stop your cheesy pick up lines Az, I'm fine." inirapan ko siya at nagpatuloy kami sa paglalakad. Tila isang kwarto na sa tingin ko ay nasa dulo ng kweba ang aming napuntahan. "Ugh, I think we should get out now." kabadong saad ni Bubblegum. "We can't, dito tayo tinuturo nitong Golden Compass." I took a deep breath. Kinakabahan ako na hindi ko mawari. "Oh sht." it was Teal's voice. Iyon ang namayani ng biglaang namatay ang mga ilaw na gumagabay sa amin. "Aaaaaaah!" sigaw ni Bubblegum na sinundan ng kay Myrtle, Flax, Silver, Teal, Carlie and Azure. What the heck? Agad akong naglagay ng Black Shield sa akin at gumawa ng pekeng anino. This is why I felt nervous, Myr's right. Kumoriju is here. "Face me you shadow eater!" I shouted at nakaramdam ako ng malamig na presensyang dumaan sa aking likuran. "Chammy?" wait? Hindi siya nabiktima? "Silver? Okay ka lang ba?" tanong ko at bigla ko siyang nakita dahil sa paglabas ng kanyang puting aura. Kuminang rin ang kanyang Ash Dualsword kaya naman tuluyan kong nakita ang kalagayan ng aking mga kasama. They have turned into statues, except for their eyes, eyeballs. This is the power of Kumoriju. Lumapit ako kay Silver habang unti unti akong binabalot ng aking itim na aura. Ganoon rin ang nangyari sa aking Scepter at lumiwanag ang Akaro stone na nasa dulo nito. "Hmmmm, I'm so lucky to have some guests as precious as you guys." isang nakakakilabot na boses ng babae ang aking narinig. I saw how Silver's body stiffened. Napahawak naman ako ng mahigpit sa aking sandata. "Give back the shadows of my friends!" I shouted ngunit nakakairitang halakhak ang isinagot niya. "In one condition Princess Champagne....." alam kong nasa likuran ko lamang siya. "I want your shadow and power." just as what I have thought. "Madali akong kausap." nakita ko ang pagprotesta sa mukha ni Silver pero hindi ko na iyon pinansin. I put my Midnight Scepter down at biglang lumitaw ang Kumoriju sa harap ko! I almost had a heart attack pero hindi ko iyon pinahalata. Mas lalo siyang mananalo kapag nagpadala ako sa aking kaba. "Don't meddle!" nakita ko ang paglabas ng Black Smoke sa kamay nito at pumulupot iyon kay Silver. "Bring him down!" I ordered at pabagsak niyang binitawan ang aking kaibigan na agad kong dinaluhan. "Just trust me with this." I whispered to him at wala na siyang nagawa kundi ang pilit na pagtayo habang nakatukod ang kanyang espada sa lupa. "Bring their shadows back." hinarap ko ang creature na may kalahating katawan ng tao habang ang mula sa bewan niya hanggang paa ay puro buto. Nakasuot ito ng Black Cloak habang ang mga mata ay nanlilikis at namumula. Kumoriju eats shadows na tumutulong na magbigay sa kanila ng kapangyarihan. Ang iba sa kanila ay ginagamit iyon upang mabuo muli ang mga katawan nila. "I'll eat yours first!" sinugod niya ako at itinutok ang kanyang kamay na mayroong butas sa gitna! Mabilis kong pinagalaw ang aking Scepter ngunit tinapakan niya iyon! Naramdaman ko na lamang ang pagkahigop ng isang parte sa aking pagkatao. Sht. My shadow! Nakuha niya ang tunay kasama ng fake shadow na ginawa ko! Ugh stupid Champagne! I lost my focus! Nanigas ang aking katawan at tanging eyeballs ko na lamang ang aking naigagalaw. "Cheater!" nakita ko ang matindi at manipis na liwanag mula sa espada ni Silver. Buo iyon at nag-iisa. Sapul sa kanang braso ang Kumoriju at napaungol ito sa sakit. Light vs. Dark. Huwag lang sanang makuha ang shadow ni Silver. Mabilis na nagpakawala ng ilang Light Aura Balls si Silver at puro iwas ang ginawa ng Kumoriju hanggang lumiit ang distansya nila. Gustong gusto kong sumigaw para makaiwas si Silver ngunit naging mabilis ang lahat! Naitapat na rin ng Kumoriju ang kanyang kamay kay Silver. Subalit laking gulat ko ng hindi naging bato si Silver! How on Arkaios? Is that possible? Ugh. Agad na pinaghiwalay ni Silver ang kanyang sandata at mabilis na umikot umikot sa paligid ng Kumoriju upang masugatan ito. "You can't hide, not when I'm the seeker!" sigaw ni Silver ng magtago sa dilim ang Kumoriju. Itinusok ni Silver ang isa niyang espada sa lupa at mula doon ay lumabas ang matinding liwanag! I saw the Kumoriju's shadow, at ganoon din si Silver. This Kumoriju doesn't like fights, pagkain lamang ang habol niya. Sinugod ni Silver ang nilalang na iyon kaya lamang ay naging mas maagap ang Kumoriju! Kumupas iyon at lumabas ang isang itim na latigong gawa sa kanyang kapangyarihan at hinampas niya iyon sa isang dingding na kalapit niya. Nasira ang bahagi ng pader na natamaan at mula doon ay lumabas ang mga nagwawalang Batpires. I wanted to help, pero nabigo ako sa aking plano. I miscalculated the whole scene, I underestimated the Kumoriju. I am so wrong. Sinubukan kong palabasin muli ang aking aura, hanggang sa naramdam ko ang kaunti noon sa aking kamay. Patuloy ko iyong pinilit palakihin habang nanonood sa laban ni Silver at ng Kumoriju. "Hmmmm, I'll take your shadow too, you tiny as smidget Elementian." mas nagdilim ang itsura ni Silver dahil sa pang-aasar ng Kumoriju. Napaslang na ni Silver ang ibang Batpires pero mas lalo itong dumadami, parang may pagawaan ng Batpires dito sa kweba. "I'm so hungry, I'm starving! And 8 Elementians' shadows will be my greatest meal ever." humalakhak pa muli ang Kumoruji subalit napalitan iyon ng isang napakalakas na palahaw dahil sinaksak siya sa dibdib ni Silver. His timing was perfect! Paikot ikot lamang kasi ang Kumoriju, sa dingding na lupa, sa itaas, sa ibaba. Pinagmamasdan nito si Silver na nakikipaglaban sa mga Batpires. Mabuti na lamang at natamaan iyon ni Silver, great slice indeed. Nawala ang mga Batpires na gawa lamang pala sa kapangyarihan ng Kumoriju. This creature is intelligent I must tell but Silver is smarter. Hindi na muli pang nakapagkubli ang Kumoriju at agad kinabig pababa ni Silver ang kanyang isang espada na naging dahilan upang mahati rin sa dalawa ang kalamanan ng Kumoriju. Nagwawala ito sa sakit at kahit na nahihirapan ay nakita kong muli niyang itinapat ang isa niyang kamay kay Silver! Di hamak na mas malaki ang hole noon kesa sa isa! Oh sht. He is in total danger! "Sorry, but you won't take away our shadows." narinig kong saad ni Silver at biglang may Light Laser na lumabas sa duguan at libreng kamay ni Silver. Diretso iyong tumama sa Tekage ng Kumoriju, iyon ang tawag sa hole nila sa katawan na ginagamit nilang upang makuha ang shadows ng kanilang mga biktima. Tumagos ang huling atake ni Silver sa balikat ng Kumoriju at tuluyan na itong namatay. Mula sa dalawang Tekage nito ay lumabas ang shadows namin ng aking mga kasama. Lumipas ang ilang sandali at muli na kaming nakagalaw! "Silver! How come that the Kumoruji's Tekage didn't affect you? I mean that monster failed to take you shadow?" iyon agad ang tanong ko kay Silver. Nagkibit balikat siya saka tumingin sa akin ng diretso. "I'm confused and same as you, I don't know the answer either." napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Nagbalik lang ako sa ulirat ng naging abo ang katawan ng Kumoriju at ang Glistermos mula dito ay napunta sa Corbisla.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD