Chapter 2

1002 Words
Hindi ko alam kung bakit paulit-ulit pa rin sa isipan ko ang sinabi kanina ni Marco. Someone he used to love. Ewan ko ba pero sobrang bigat sa pakiramdam. Siguro dahil hindi siya nagbibiro at hindi rin naman siya ngumingiti. Dumako ang paningin ko sa lipstick na nasa ibabaw ng lamesa. Simple lang naman 'yon at kulay itim pa pero sobrang halaga para sa kanya. "Ang kulit mo naman Reyna." Napabuntong hininga ako. Bakit ko ba kailangan isipin ang babae na 'yon. Umiiling ako na tumayo. "Tama na nga," sabi ko sa isipan. Kung may problema ang Marco na 'yon problema niya 'yon kaya siya lang dapat ang mag isip at wala na ako roon. Ayaw kong magpaloko sa kung anong nararamdaman ko. Kung tutuusin lipstick lang naman to. Kung kukunin niya ulit ibibigay ko naman eh!. Kumuha ulit ako ng itim na tshirt at isinuot 'yon. Pagkatapos hinayaan ko lang na buhaghag ang buhok at hindi ko na 'yon inayos. Tumingin ako sa salamin at muling nilagay ang itim na lipstick kaya bigla ako napangiti. Sa totoo lang hindi ako sanay na ganito ang itsura ko pero parang mas nagugustuhan ko na dahil ibang iba sa Reyna noon. Mas mukha ng matapang, napapailing ako sa sarili mukha na ba talaga akong nakakatakot. Kinuha ko ang bag ko at lumabas ng kwarto dahil kukunin ko ang pitaka sa bahay ni Marco. Kailangan ko ng makuha 'yon at ayaw ko ng ipagpabukas dahil wala na rin akong pera. Pagdating sa tapat ng bahay niya ilang minuto rin akong nakatayo roon. Humakbang ako ng dahan-dahan hanggang sa maabot ko ns ang pintuan. Di lang isang katok ang ginawa ko umabot pa sa tatlo bago niya tuluyang binuksan. "Hi kamu--" Hindi na niya tinapos ang sasabihin para siyang nanigas habang nakatingin mula ulo hanggang paa. "Reyna." Tinaasan ko siya ng kilay. "Bakit may problema?" "Wa-wala," nauutal niyang sabi. Pero bakit parang tingin ko gusto na niyang isara ang pintuan. Napansin ko rin na napabuntong hininga siya. "Okay ka lang ba Marco?" Tinitigan ko siya diretso sa mata. Hindi ko alam pero parang may kakaiba talaga sa mga mata niya. Hindi naman siya hakatang natakot sa suot ko parang nagulat lang ganon. "Ma-may pupuntahan ka?" nabubulol niyang tanong. "May kukunin lang ako yung putaka ko. Naiwan ko rito." "Ah! Wait for me." Tumingin siya tapos pumasok ulit sa loob. Syempre ilng minuto lang bumalik din siya na dala na ang wallet ko. "Here." Iniabot niya agad sa akin ang pitaka ko kaya mabilis ko din naman kinuha. "Salamat." Aalis na sana ako pero biglang nagbago yung mukha niya. "May gusto kng sabihin?" tanong ko ulit sa kanya. Umiiling-iling siya kaya tiningnan ko siya ng matalim. Pero mas lalo lang naging seryoso ang mukha niya saka bigla rin siyang napalunok. Hindi siya takot sa itsura ko natakot siya sa tingin ko. Napangiti ako ng konti sabay talikod. "Reyna." Napahinto ako sa tawag niya. "Uhmm Yes." "May bago kana bang trip ngayon?" Napatingin ako sa kanya at naisip ko ang tingin ko sa kanya ng matalim. "Fashion may problema?" sagot ko. "Wa-wala naman." Tumango ako sa kanya tapos naglakad na palayo habang nakangiti ng malawak. Parang yung nakaraan ako ang kinakabahan kapag nakikita ko siya pero ngayon iba na. Siya na ang hindi makatingin ng diretso. Hindi ko alam pero sobrang sarap sa pakiramdam na makitang takot siya sa akin. Nang makarating na ako sa tapat ng bahay namin. May nakita along isang pamilyar na tao sa tabi ng kalsada. Si Aling Nita ang kapitbahay kong mas mabilis pa ang bunganga kaysa sa internet. Nakatayo siyang nakatingin sakin na hawak ang bayong. Tinitigan ko rin siya at tumingin siya sa akin mula ulo hanggang paa tapis biglang nanlalaki ang bilugan niyang mata. "Aling Nita." tawag ko sa kanya. Hindi siya sumagot pero lumapit siya ng konti. Tumitig siya na parang nakakita siya ng nakakatakot saka biglang umatras. "okay lang po kayo?" Kumunot ang noo niya at hindi pa rin sumasagot tapos tumingin ulit sa akin. "Ikaw ba yan Reyna?" "Opo." Bigla siyang napahawak sa dibdib. "Ano bang ginagawa mo sa sarili mo." Napatingin tuloy ako sa suot kong damit. "Wala naman po. Ayos naman ako." "Yu-yung labi mo." Nanginginig niyang tinuturo. "Lipstick lang po 'yan." Nakangiti kong sagot. "Pati yang buhok mo." "Ano pong meron sa buhok ko eh inborn na po yan eh! Saka totoo po itong buhok ko." "Totoo?" Tumango ako sa kanya. Hindi ko alam kong matatawa ba ako or maiinis sa kanya. Magsasalita sana alo kaso bigla siya umatras. "Alam ko na." Napatingin agad ako sa kanya. "Ano?" Bigla siyang tumingin sa paligid parang tinitingnan kung may iba pang tao. "Mangkukulam." Pinagduduro niya ako kaya biglang nanlaki mga mata ko. "Ano po?" Tanong ko ulit sa kanya. "Mangkukulam ka." Biglang lumingon yung isang kapitbahay pati yung batang naglalaro. Saka yung isang bintana biglang bumukas. "Aling Nita huwag ka naman ganyan." Pero lalo pa niyang sinigaw. "Mangkukulam ka Reyna." "Aling Nita naman." "Itim ang mga labi mo." "Eh ano naman po." "Nakaitim din ang damit mo pati ang buhok mo parang bruha." "Fashion po ang tawag diyan." "Pati ang mga matalim ang tingin mo." Napahinto ako tapos biglang napatawa. " Parang 'yan lang eh!" "Tingnan mo sa salamin yang itsura mo. Mangkukulam ka talaga." "Hindi po ako mangkukulam," naiiling kong sagot sa kanya. "Mangkukulam! Mangkukulam!" Paulit ulit niyang sinisigaw. Sobrang inis ko sa kanya napatingin ako sa paligid marami ng tao. Meron pa mga nagvi video. Si Aling Nita bigla na lang siya nagtatakbo. "Mangkukulam yan lumayo kayo sa kanya mga kapitbahay." Napatingin ako sa kanya habang nakatayo hanggang sa napabuntong hininga na lang ako. Inisip ko ang itsura ko. Itim na lipstick, itim na damit, sabog na buhok. Parang nakakatakot nga pero hindi naman mukhang mangkukulam 'yon eh! "Kapitbahay mong OA." Napakibit balikat ako habang papasok sa bahay namim. Naririnig ko pa rin ang sigaw ni Aling Nita. "Mangkukulam." Napapikit na lang ako dahil parang simula ngayon may bago na silang tawag sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD