Chapter 1

1493 Words
"Hayop ka! Lumayas ka dito! Wala kang utang na loob! Pagkatapos kitang kupkupin eh yan ang igaganti mo sakin?! Lumayas ka dito! Kaya siguro iniwan ka ng mga magulang mo dahil ayaw nila sayo! Ngayong ubos na ang perang naiwan ng mga magulang mo sayo at ayaw mo namang magtrabaho edi lumayas ka na! Wala ka ng silbi dito sa bahay ko!" Sigaw ni Tita Alicia habang binabato sa akin ang mga damit ko. Wala akong magawa kundi ang umiyak habang pinupulot ko ang mga damit ko. "Tita maawa ka na po sakin, wala na po akong mapupuntahan, wala na din po akong pera. Please Tita maawa ka na po sakin" pagmamakaawa ko habang pinupulot ko yung mga damit ko na inihagis nya sa harap ko. "Wala akong pake kung san ka pulutin! Basta lumayas ka na dito! Wala ka ng silbi dito! Layas!" sigaw nito sabay sipa sakin kaya nasubsob ako sa sahig. Lalo akong naawa sa sarili ko. Nilingon ko ang Tito ko pero umiwas lang sya ng tingin sakin, alam kong mabait ang Tito Alfred ko pero natatakot lang ito kay Tita kaya wala itong magawa. Ilang oras na akong palakad lakad sa daan pero wala pa din akong makita na pwede kong tuluyan pansamantala. May nakita akong isang bench sa isang park kaya doon muna ako pansamantalang nagpahinga at kumain ng nabili kong tinapay sa nadaanan kong bakery kanina. Habang kumakain ako napapalinga ako sa mga pamilyang nagkakasiya sa iba't ibang parte ng park. Nakaramdam ako ng inggit sa kanila. "Buti pa sila masaya at may mga magulang pa haist! Mommy at Daddy bakit nyo naman po kasi ako iniwan dito? Sobrang lungkot at hirap po ng buhay ko simula ng mamatay kayo" bulong ko habang naiiyak na nakatingin sa larawan nila sa cellphone ko. Itong cellphone na lang na ito ang tanging bagay na remembrance ng mga magulang ko sakin. Napatigil sa pag iyak si Ash ng makita nya ang karatulang nakapaskil sa restaurant na nasa harapan ng kaniyang inuupuang bench sa park. Mabilis na inubos ni Ash ang tinapay na kinakain nya at nilapitan ang guard na nagbabantay sa harap ng restaurant. "Kuyang Guard, available pa po ba yang hinahanap nyong waitress para sa restaurant na ito?" magalang na tanong ko kay kuyang guard. "Ah oo ineng, bakit maga-apply ka ba?" balik na tanong ni kuya sakin. Agad namang lumiwanag ang mukha ko dahil sa wakas magkakapera na ako. "Opo kuya, gusto ko po mag apply, pano po ba?" agad na tanong ko. Agad naman akong pinapasok ni kuya sa loob, sinamahan nya ako hanggang sa makapasok kami sa isang opisina. Siguro ay ito ang opisina ng may ari. Nakita ko ang isang babae na sa hula ko ay nasa late 50's na. "Good afternoon Ma'am, mabuti ho at naabutan ko pa kayo dito. Sya nga po pala may gustong mag apply bilang waitress." magalang na sabi ni manong guard, agad naman akong nilingon ng babae. "Good afternoon po, ako po si Ashleigh Jimenez and I want to apply as your waitress po. Please hire me Ma'am kailangang kailangan ko po talaga itog trabahong ito para po may maipakain ako sa sarili ko at para may maipambayad ako sa uupahan kong tirahan" maluha luba kong sambit sa kanya. Nakita ko ang pagtataka sa mukha nya kaya kinabahan ako baka di ako matanggap. Lalo na lamang akong naiyak. "Mukha namang mayaman ka ineng, halata sa kutis ng balat mo na isa kang batang may ginintuang kutsara sa bibig eh bakit nangangailangan ka ng pera? Pinalayas ka ba sa inyo? May dala ka kasing maleta eh at mukhang pagod na pagod ka" dudang tanong nya sakin sabay tingin sa buong itsura ko. "Opo, actually ulila na po ako sa magulang since I was 10 years old at mga tita at tito ko po ang nagpasa pasa na kumupkop sa akin pero kanina po eh pinalayas ako ng tita ko dahil naubos na daw po ang perang naiwan ng mga magulang ko kaya wala na daw akong silbi sa paningin nila" humahagulgol kong sambit sa kanya. Nakita ko syang tumayo at lumapit sakin para daluhan ako at i-comfort. "Naku, kawawa ka naman pala iha! Sge tanggap ka na, pwede ka ng magsimula bukas tutal malapit ng magsara itong restaurant ko sa araw na ito kaya bukas ka na mag start." agad na nagliwanag ang mukha ko at naiyak na lang ako sa saya. "Maraming maraming salamat po Ma'am tatanawin ko pong utang na loob ito sainyo. Sge po babalik na lang po ako bukas hahanap pa po ako ng matitirhan eh" paalam ko sakanya. "Teka iha, ayon sa sinabi mo kanina eh wala kang pera tama ba?" pigil nya sa akin ng palabas na sana ako ng pinto. "Opo Ma'am kaya nga po kailangang kailangan ko po itong trabahong ito" tugon ko sa kanya. "Eh kung sa ganun pano ka makakahanap ng matitirhan kung ganong wala kang pera? Bakit kaya hindi ka na lang sa akin tumira? Ang asawa ko lang naman ang kasama ko sa bahay at ibang kasambahay. I insist iha, para din di ka na mahirapan" alok nito sa akin na nakapag patuwa lalo sa akin. "Naku Ma'am nakakahiya na po, tinanggap nyo na nga po ako dito sa trabaho tapos papatirahin nyo pa po ako sainyo. Sobra sobrang tulong na po ito Ma'am maraming maraming salamat po" umiiyak na yumakap ako sa kanya. "Sge na tahan na iha, tara na at pauwi na rin naman ako" aya nya sakin. BIGLA akong nakaramdam ng pagka miss sa mga magulang ko ng makita ko ang bahay nila Mrs. De Guzman, ganitong ganito din kasi kalaki ang bahay namin noon. Pagkarating namin sa garahe eh bumaba agad kami at may sumalubong na isang matandang kasambahay na sa hula ko eh ang mayordoma dito. Bahagya pa syang nagulat nang makita ako na bumaba nang sasakyan. Marahil ay nagtaka ito kung sino ako. Ipinakilala naman ako ni Mrs. De Guzman kay aling Beth at sa iba pang kasambahay sa loob ng mala mansyon na bahay nila. Nang makita ni Mrs. De Guzman ang mister nito ay agad sya nitong sinalubong at binalingan ako. Mukhang nasabihan na ito ni Mrs. De Guzman dahil hindi naman ito nagulat nang makita ako. "Welcome sa aming munting tahanan iha, wag ka nang mahiya. Feel at home, naikuwento ka na ni Mathilda sa akin kanina habang nasa byahe kayo" may ngiting salubong nito sa akin "Maraming salamat po Mrs and Mr De Guzman, hayaan nyo po pag nakaipon na po ako ng malaki laki eh hahanap din po ako agad ng malilipatan ko" medyo nahihiyang sambit ko. "Tita Malthilda at Tito Bren na lang ang itawag mo sa amin at wag mo munang isipin yang pag alis mo dito iha, you can take your time. Di ka naman namin minamadali na umalis dito. Oh sya tara na sa hapag kainan at ng makakain na tayo." aya ni Tito Bren sa amin. Dumiretso kami sa hapag kainan at agad akong natakam ng makita ang mga pagkain doon. "Sge na Ash kain na alam kong gutom ka na" sambit ni Tita Mathilda. Agad naman akong umupo at umusal ng munting panalangin bago kumain. Magana akong kumain na di ko namalayang nakatingin na pala sa akin ang mag asawa. Napatingin ako sa kanila at nahiya ng makitang may onting gulat na mababakas sa kanilang mukha. "Pasensya na po hehe gutom na gutom po talaga ako" sabi ko habang pinupunasan ko ang bibig ko. "Ayos lang iha, sige kain ka pa alam naming gutom na gutom ka na" may ngiting sabi ni Tita Mathilda. "Pagkatapos mong kumain dyan eh ipapahatid kita kay Sita sa magiging kwarto mo okay? Kaya bilisan mo na dyan at nang makapagpahinga ka na" sabi ni Tito Bren na nakapagpatigil sa akin saglit sa pagkain. PAGKATAPOS kong kumain ay agad akong ihinagid ni Ate Sita sa isa sa mga kwarto dito sa may baba sa tabi ng mga maid's quarter. Sa kuwarto sa itaas sana ako balak patuluyin nila Tito at Tita pero di ako pumayag dahil sobra sobra na kung dun ako matutulog. Mabuti na lamang ang may isa pang kuwarto dito sa may maid's quarter. Agad kong iniayos ang mga gamit ko ng maihatid ako ni Ate Sita. Bigla akong nakaramdam ng pagod at lungkot nang mag isa na lamang ako. Iniisip ko kung pano kaya kung di ako napadpad sa park na iyon kanina eh san kaya ako magpapalipas ng gabi haist. Tinuloy ko na lang ang pag aayos ko ng gamit ko. Nang makita ko ang larawan ng mga magulang ko mula sa maleta ko, mas lalo akong nalungkot at di ko napigilan ang umiyak. "Mommy at Daddy, please guide me po at miss na miss ko na po kayo. I love you Mommy at Daddy" umiiyak kong niyakap ang larawan nila. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako habang yakap ko ang larawan nila. Marahil siguro sa sobrang pagod ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD