Episode 12: Meaning

2808 Words
The days passed quickly, lalo na kapag nasanay ka na sa mga araw-araw mong ginagawa. Every minute is like a wind passing through us, mabilis, at sa sobrang bilis nito minsan hindi mo ito maramdaman. “See you at the court.” text galing kay Ali. “See you. Good luck.” I replied. Malapit na kasi ang Sports Festival sa school na pinapasukan namin at ‘yon nga ang naging announcement ng aming adviser kanina. Malamang at na-announce na rin ito kanila Ali base na rin sa text niya. Tuwing Sports Fest ay magkakaroon ng iba’t-ibang teams. For this year, our school came out with six teams and it was color coded, bahala na ang bawat team kung ano ang ipapangalan nila sa kanilang grupo. “What team are you?” he asked. “GSM Blue. And you?” nakakalokong sagot ko. “Red Horse.” pangsasakay naman niya sa trip ko. Taon-taon dinaraos ang Sports Fest sa aming paaralan. May time na magkasama kami ni Ali sa iisang team at may time naman na hindi. Pagkatapos ng announcement ay binigyan ng pagkakataon ang bawat team na magkitakita para makilala ang bawat membro nito. Nagkaroon na rin nang meeting para pag-usapan ang kanilang mga plano para sa kanilang grupo. My teammates first talk about our group name and we came up with BLUE FOX. After that, all member of our group list their names on the sports that they want to compete. We have Volleyball, Sipak Takraw, Badminton, Basketball, Table Tennis at iba pa. Ang hindi naman kasali sa mga sports ay sila naman ang bahala sa aming yell at booth. Lahat ay gagalaw sa aming team. Hindi pwede ang wala kang ambag. I listed my name under basketball team at malamang ganon din si Ali. Pareho kasi kami ni Ali na mahilig sa larong basketball. Nahilig kami rito dahil sa panununod kasama si tito Anton. He introduced to us this sports. Ito rin kasi ang larong sinasalihan niya noong kabataan niya at hanggang ngayon ito ang nagiging libangan niya sa tuwing wala itong trabaho o ginagawa. Kami ni Ali ang palagi niyang inaayang maglaro sa tuwing may oras kami pareho. Dahil nga sa pinaghahandaan naming event ay hindi ko na madalas nakakasama si Ali. At para hindi kami mahuli sa mga lessons namin ay napagdesisyonan ng aming school head na sundin pa rin ang schedule ng aming klase, kaya nakakapagpraktis lang kami tuwing hapon pagkatapos ng klase namin. Natatapos naman kami sa pagpraparktis it’s either six or seven o’clock in the evening kaya pati trabaho ko ay naapektuhan na rin. Mabuti na lang at mababait at mauunawain sina Maia at Noah. “Can you wait for me?” tanong ni Ali sa akin nang makasalubong ko siya sa court. Katatapos lang ng praktis namin at paalis na kami ng teammates ko dahil ang team naman nila Ali ang susunod. “Sorry, but I need to go.” Bumuntong hininga siya. “Fine.” maikling sabi nito bago niya ako nilagpasan. I know that I’m already late but still I need to go to my work. Hindi ko kasi pwedeng pabayaan ang trabaho ko dahil malaki ang tulong nito sa aking pag-aaral. Nagpaalam naman ako sa Boss namin na magiging busy ako this in coming weeks at naiintindihan naman nila ito. Mabait ang may ari ng Cafe pero hindi ko naman ito pwedeng sagarin. Pagkarating ko sa shop ay dumiretso agad ako sa locker room. Hindi ko na nagawang batiin sila Noah at Maia dahil pareho silang busy sa pag-intertain sa mga costumer. May karamihan ang tao ngayon lalo na at gumagabi na. Pagkabihis ko nang uniporme ay lumabas kaagad ako. Maia smiled when she saw me as I stood beside the busy Noah. “How was your day?” he asked as he felt my presence. “Tired.” I answered directly. Kumuha ako ng isang pending receipt kung saan nakasaad doon ang bawat order ng costumer at sinimulan ko na itong i-prepare. I heard him chuckled na naging dahilan para tignan ko siya. “What?” I simply asked before I looked away. “Don’t pout like that. It doesn’t suit you.” He answered with an amusement on his tone. Embarrassment poured me that makes me silent. Hindi ko alam kung bakit marami pa ring dumarating na mga costumer kahit na lumalalim na ang gabi. Siguro ay sa mga oras na ito lang sila nagkakaroon ng time para lumabas at makipagkita sa mga taong malalapit sa kanila o kaya naman this was their only time to free their minds from negativity that they encountered the whole day. Natapos ang shift naming tatlo na parehong mga pagod. Naiwan akong mag-isa na naglilinis at nag-aayos ng mga gamit sa shop dahil iyon ang gusto ko. Ayaw pumayag nina Maia at Noah kanina pero nagpumilit pa rin ako. Mabuti na lang at dumating ang boyfriend ni Maia at nagkaroon ako rason para mapapayag ko siya. “I can’t leave you here alone.” si Noah. “It’s okay, Noah. I can do it.” “But, Quim....” he insisted but I cut him off. “Noah let me do it, please. Late akong pumasok kanina kaya hayaan mo na lang sana akong gawin ito para makabawi man lang ako sa work loads natin, because I feel like I’m being unfair to the both of you.” Mahabang litanya ko. “Hindi ako makakapagsimula at matatapos ng maaga if you’re still here.” He let a long sighed. “Fine. If that’s what you want. ” Mabuti na lang at napapayag ko rin siya. “Thank you.” He let a long sighed again. “Call me if anything happen, okay.” he asked and I nodded as a response. “I really hate your stubbornness.” he added. Hinintay ko muna siyang makaalis bago ako nagsimula sa mga gagawin ko. Pagkalipas ng forty minutes at nang sa tingin ko ay naayos ko na lahat ay umupo muna ako para saglit na magpahinga. Ramdam ko ang sobrang pagod sa araw na ito. Hindi ko alam kung makakaya ko pa sa mga susunod na mga araw dahil alam kong hindi lang ito ang araw na ganito ang magiging sitwasyon ko. Hindi naman ako pwedeng magreklamo dahil ito ang ginusto ko at ito ang kailangan ko para mabuhay at makapag-aral. Sinasarado ko na ang pinto ng shop nang biglang may humablot sa akin ang padlock na hawak-hawak ko. Nagulat at kinabahan ako sa ginawa nang kung sinong estranghero. “Move.” he ordered with an irritation on his voice, which cause me to follow him instantly. “You scared me. What are you doing here?” I asked nang napagtanto kong it was Ali. “Kung hindi pa ako tinawagan ni Maia, hindi mo pa siguro ako tatawagan.” he stated. Si Maia ang kaibigan na hindi man masunod ang gusto niyang mangyari ay gagawa at gagawa pa rin ito ng paraan. Hindi ko naman siya masisisi dahil alam kong ginagawa niya ito para sa aking kapakanan. “I don’t want to disturb you because I know you’re already tired from practice.” “And you? Are you not tired?” sagot niyang may bakas pa rin ng iritasyon. Hindi ako nakapagsalita dahil may punto ang katagang binitawan niya. Humarap siya sa akin pagkatapos niyang maisara at mai-lock ng maayos ang shop. He put his two hands on my shoulders. Ali is taller than me that’s why he bend a little to level his gaze from mine. “I need you to call me what ever it is.” sabi nito na hindi man lang niya pinuputol ang kanyang tingin sa akin samantalang ako ay nararamdaman ko ang pag-iinit ng aking pisngi dahil sa titig niya. “But Ali, ang dami mo nang naitulong sa akin at nang pamilya mo. Hindi naman pwedeng parati na lang akong aasa sa inyo. Ayaw ko rin naman maging pabigat sa inyo.” mahinahon kong sabi. Pagsabi ko no’n ay iniwas ko ang tingin ko mula sa kanya dahil para akong matutunaw sa paninitig niya, pero hinabol niya ang aking mukha gamit ang kanyang kanang kamay. He place his right thumb under my chin na naging dahilan para magtama muli ang aming paningin. “You were never a burden to us, Quim.” sabi nito gamit ang kanyang malamyos na boses while his thumb caressing my chin. My heart is getting wild because of what is he doing, especially when his thumb hits the tip of my lower lip. “Whatever thought is on your mind, get rid of it. I don’t want you think like that.” he continued. Napabuntong hininga ako at tumango. “Sorry.” Hindi na ako nakipagtalo pa. Totoo naman kasi ang sinabi ni Ali. Ni minsan ay hindi ko naramdaman na hindi ako bagay sa kanila. Hindi nila pinaramdam sa akin na pabigat ako sa kanila pero hindi ko naman ito basta-basta maiiwasang isipin. “I don’t need your sorry. I want you to always remember what I’ve told you earlier, okay.” he said and I nodded in response. Ginulo nito ang aking buhok gamit ang kamay niyang nakahawak sa aking baba bago ito nagsalita. “Let’s go.” Nauna akong naglakad sa kanya. His left hand didn’t leave my shoulder hanggang sa pababa kami sa three-step staircase ng cafe. Mayamaya pa, ang kaninang isang kamay na nasa aking balikat ay nadagdagan ng isa pa. I was suddenly terrified and I stopped walking when he went behind me and wrap his right arm around my chest. He is hugging me from behind. Parang wala lang kay Ali ang ginawa niya. I see no malice from him samantalang ako ay parang tangang kinakausap ang aking sarili para pakalmahin ang humaharintado kong puso. I need to act cool. I need to be calm but my traitorous heart didn’t want to follow. We continued walking to the other side of the road where his car was parked in that position. “Can you walk properly. You’re so heavy.” I complained because he is now resting his head on mine and he started to lose his weight on me, pero hindi siya natinag. I complained but it contradict to what I really want. I want this moment to last longer. I want to stop the time so it doesn’t end this moment. But reality is far different from fairy tales. Nasa daan na kami nang bigla itong bumaling sa akin at nagsalita. “Did you already eat?” he asked bago ito binalik ang tingin sa dinaraanan namin. “Come on. It’s already twelve o’clock midnight. Do you think I haven’t eat yet.” “With the habit you have, I’m not surprised if you really didn’t eat yet.” he answered directly. “Don’t worry. We’ve given thirty minutes break to eat our dinner earlier.” “That’s good then.” Tahimik ang naging byahe namin pauwi. No one wants to start a conversation between the two of us siguro dahil na rin sa pagod. Nakasandal lang ako sa backrest ng kanyang upuan habang nakatingin sa dinaraanan namin. Siya naman ay tahimik lang na nagmamaneho at sa daan din ang tingin. Dahil sa sobrang tahimik, hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. “Quim, wake up. We’re here.” panggigising sa akin ni Ali. Dinilat ko ang aking mga mata at nakitang nasa harap na kami ng aming bahay. Bumaling ako sa kanya bago nagsalita. I smiled and said, “Thank you.” He nodded and smiled back. “I’ll pick you up tomorrow, okay.” “Roger that.” “Silly.” he said at ginulo nito ang aking buhok habang nakangiti. Bumaba ako sa sasakyan and I wave him goodbye before I entered our house. Pagkapasok ko ay doon ko lang narinig ang papalayo niyang sasakyan. Hindi bago sa akin ‘yon. Ang sarap lang sa pakiramdam na hihintayin niya muna akong makapasok sa aming bahay bago siya aalis. Alam kong hindi ko pwedeng bigyan ng malisya ang bawat galaw ni Ali toward me pero ang sarili kong puso ang sumisira nito. My heart feels happy when Ali’s doing something for me but my mind say otherwise. Sometimes I thought, hindi ba pwedeng magkasundo ang utak at ang puso pagdating sa usaping pag-ibig. Minsan kasi may darating na tao sa buhay mo at pagpapatibok ng puso mo pero hindi naman sang-ayon utak mo. Minsan naman, ang utak mo naman ang magsasabing sana siya na lang pero ang puso mo naman ang hindi sang-ayon. In the past days, gano’n ang naging routine namin ni Ali. He always pick me up every morning, study, and practice. ‘yon nga lang, hindi ko siya pwedeng hintayin dahil sa trabaho ko pero kapag siya ang unang natatapos sa practice ay palagi niya akong hinihintay kahit hindi ko sabihin. Minsam sa shop na rin siya gumagawa ng kanyang mga school work habang hinihintay niya akong matapos sa trabaho. “You can go home para makapag-aral ka nang mabuti.” sabi ko sa kanya nang minsan nilapitan ko siya sa kanyang paboritong pwesto. “No. Magsasayang lang tayo ng gas kapag uuwi pa ako tapos babalik din ako para sunduin ka.” may puntong saad niya. Ang sa akin lang naman ay ayaw ko siyang maistorbo sa kung ano mang ginagawa niya, lalo pa’t hindi naman namin maiiwasan na may mga costumer na akala nila sila lang tao sa loob ng cafe. “I’m fine.” he added. Kapag naman wala siyang ginagawa ay tumutulong ito sa amin lalo na kapag maraming tao. “Paalala lang Ali, ha.” panimulang sabi ni Maia nang minsang lumapit si Ali sa amin na may dalang tray. “Pero wala kaming maiipangakong sweldo para sayo.” sersoyo pero may halong joke na sabi niya na naging dahilan para matawa kaming lahat. “Don’t worry, croissant and a hot chocolate will do for me.” natatawang sagot naman ni Ali. “Tamang-tama, may free coffee at tinapay tayo mamaya pagkatapos ng shift natin.” Pagkatapos ng shift namin ay nagpahinga kami habang kumakain. Libre ang mga pagkain namin dito, lunch man ‘yan o dinner, at pagkatapos ng shift mo ay may pa-take-out pa na isang kape at tinapay. “Ganito pala rito.” biglang sabi ni Ali habang kumakain. “Why? Are you already planning to work here?” tanong ni Maia. “Pwede ba?” balik na tanong naman nito habang nakangiti. “Sorry, but we’re not hiring.” sabat naman ni Noah habang humihigop ito ng kanyang kape. Nagkatinginan kami ni Maia dahil doon. “It’s okay. I can be here everyday even I’m not hired as a worker.” sagot naman ni Ali. “And I can buy coffee and bread on my own.” mayabang niyang dagdag. Awkwardness filled inside the cafe after that. Walang nagsalita ni isa sa amin. Sa sobrang tahimik, maririnig mo na ang buga ng hangin galing sa aircon. “Let’s go. It’s getting late.” basag ni Maia sa katahimikan. Tumayo kami at nagsimula ng mag-ayos bago umuwi. Naunang umalis si Noah nang walang paalam at pinagtaka naman namin ito ni Maia dahil hindi ito umaalis nang hindi nagpapaalam. “What’s wrong with him?” tanong ni Maia na ipinagkipit-balikat ko naman. Hinintay ko munang makaalis si Maia bago ako lumapit kay Ali na nakasandal sa kanyang sasakyan. “Are you okay?” tanong ko pagkalapit ko sa kanya dahil napansin kong tulala siya. Bumuntong hininga siya saka ngumiti at sumagot. “I’m fine. I was just irritated by Noah earlier.” “But Noah is a nice guy.” Tumingin siya sa akin na para bang hindi siya makapaniwala na nasabi ko iyon sa kanya. “Sa sobrang tagal na nating magkaibigan, I didn’t hear you praise me the way you praised Noah in front of me.” pagtatampo niya. Napangiti ako sa sinabi niya. “But it doesn’t mean you’re not a nice guy.” “So, I am a nice guy.” “Yes. You are a nice guy.” sabi ko. Ngumiti ito saka nito hinila ang braso ko para sa isang yakap. “Is this how it feels to be praised by someone you love.” Napangiti ako pero may kung anong tumusok sa puso at masakit iyon. I tried to ignore what he said, especially the last three words. I tried not to deepen the meaning of that because I’m scared of giving my self a hope. Maybe he used that words because I am important to him as his best friend, nothing more, nothing less. Every word has a meaning, and if you didn’t use the right word to express your self and your feelings, the meaning of it would become different from what you want to express.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD