“Where are you?” tanong ni Ali pagkasagot ko sa kanyang tawag.
“I am at the library. Why?” mahinang sagot ko naman sa kanya.
Pagkatapos kasi ng pang-umagang klase ko kanina ay dumiretso na ako dito sa library. 11:30 kami natapos at napagpasyahan kong pumunta dito para simulan ang mga kailangan kung simulan at tapusin ang mga kailangan kung tapusin na mga school work.
Hangga’t maaari kasi ay dapat tapos ko na o kaya naman ay dapat nasimulan ko na ang mga ito para hindi ako magahol sa oras, lalo pa at may part-time job din akong pinapasukan sa isang coffee shop.
“Don’t tell me, may mga pagkain na rin ngayon diyan sa library?” nakakalokong saad niya.
“Madami. Iba’t-ibang putahe pa nga eh.” I replied, referring to the books and papers in front of me.
“Naparami nga ata ako ng order eh.” I added, referring to the scattered school works. “Mukhang hindi ko ito mauubos nang mag-isa. Baka pwede mo naman akong tulungan diyan?”
“No thanks, but I’m already full.” he answered.
I pouted
I heard his laughed from the other line. “Don’t pout. Hindi bagay sayo.”
“I’m not pouting. Who said that?”
“Me. I am your best friend. I know when and how you pout.” aniya.
Hindi ako nagsalita. The way he delivered his words sent shivers down my spine. I heard that click sound again as if his words were the keys to the locks surrounding my heart. Napailing na lang ako sa naramdaman kong iyon.
“But seriously, do you eat lunch?” tanong niya.
Kahit hindi niya ako nakikita ay ngumiti ako bilang sagot. Inaaya ako kanina ng mga kaklase ko para kumain pero hindi ako sumama.
He sighed when he knew the answer because of my silence. “Come on, it’s already 12:30 and yet you’re still studying. Hindi ka mabubusog ng mga school works na ‘yan Quim.”
I sighed. “If I say that I haven’t eaten yet, will you buy it for me?” panghahamon ko sa kanya.
“Your food is already served, ang kakain na lang ang wala.” aniya.
Ngumiti ako ngunit may kung anong kumurot sa malaking parte ng aking puso. Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako sa kurot na iyon o magiging malungkot. Nalilito na ako sa mga nararamdaman ko.
“Faster. Huwag mong paghintayin ang pagkain.”
“Fine. Where are you then?” tanong ko.
“Hulaan mo kung nasaan ako. That is the payment for your meal.” sagot niya bago pinutol ang linya.
Inayos ko muna ang mga gamit ko bago ako nagsimulang maglakad papunta sa lugar kung saan alam kong nandoon si Ali.
Even though he won’t tell me where he is, I know that he is at his favorite food court right now.
At tama nga ako. Naabutan ko siya kasama ang kanyang mga kaibigan na kumakain at nagku-kwentuhan sa isang mesa.
Ngumiti ako nang kumaway si Adam pagkakita niya sa akin.
“Quim” tawag ni Adam na siyang nagpalingon sa mga kasama niya sa mesa.
I walked towards their table smiling.
“Sit here.” si Adam, sabay tapik sa upuang katabi ng kanya.
Tumango ako bago umupo. Nasa harapan ko si Ali. Kasama niya sa upuan sina James at Samantha samantalang kasama ko naman sa upuan sina Adam at Klein.
“Ano Quim, nabusog ka ba sa mga pagkain doon sa library?” tanong ni Klein.
Tinignan ko si Ali, nagtataka kung bakit alam nila ang tungkol sa pinag-usapan namin kanina.
“Hindi nga niya naubos diba. Ibig sabihin, hindi ito masarap.” sagot naman ni James sabay tingin sa akin nang nakangiti.
“Pwede namang hindi niya naubos ang pagkain dahil naparami siya ng order, dahil gusto niyang matikman ang lahat ng mga putaheng nandoon.” sabi naman ni Sam.
Napailing na lang si Ali dahil sa mga pinagsasabi ng kanyang mga kaibigan. Nginitian ko na lang sila dahil sa hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanila.
Tumayo si Ali at umalis. Pagbalik niya ay may dala-dala na itong pagkain at nilapag nito sa aking harapan.
“Kumain ka na.” ani nito.
“Thank you.” sabi ko nang nakangiti.
Tumango lang siya bago binaling ang tingin sa kanyang pagkain.
Binalingan ko ang pagkaing nilapag niya at nakita kong ang mga paborito kong mga pagkain ang laman nito, kanin, sinigang na baboy, at pritong karne ng manok. May kasama itong malamig na softdrinks, at isang piraso ng chocolate na gustong-gusto kong panghimagas. Napangiti na lang ako bago nagsimulang kumain.
Habang kumakain ay nakikinig lang ako sa kanilang mga kwento. Nakikitawa kapag may nakakatawa sa kanilang kwento. Sumasagot kung may binabato silang tanong sa akin.
“Anong oras ang susunod mong klase.” tanong ni Ali.
“Ala-una.” maikling sagot ko.
Napabuntong hininga na lang siya sa sagot ko. Alam kasi niya na kung hindi pa niya ako tinawag para kumain ay hindi pa ako nakakakain ngayon at malamang ay papasok na naman akong walang laman ang tiyan.
Ganito ang palaging set-up namin ni Ali. Siya ang palaging nagpapaalala sa aking kumain. Kung ako ang palaging nalilipasan ng gutom, siya naman ang palaging gustong kumain sa aming dalawa.
Alam kong mahalaga ang pagkain sa ating katawan. Pero para sa akin ay mas higit pa doon ang halaga nito. Ang pagkain ang naging instrumento sa pagiging magkaibigan namin ni Ali.
Flashback…..
I was setting on the park bench one afternoon. I watch the other children playing with their friends and parents. These are the scenes I also want to experience. I saw how the children laughed to each other and I envied how their parents take care of them.
“Come and get me.” sigaw ng isang batang lalaki na nakikipaghabulan. Pero hindi pa man siya nakakalayo ay nadapa na ito dahil sa hindi nakatali nang maayos ang sintas ng kanyang sapatos. Nagtawanan ang kanyang mga kalaro habang ako ay pa-simpleng ngumiti. Hindi naman ito umiyak at nakisabay pa sa tawanan ng kanyang mga kaibigan.
“Liam, laro tayo doon sa may seesaw.” yaya naman ng isa pang bata sa kanyang kalaro.
“Let’s go.” sang-ayon naman nang kausap niyang si Liam.
“Mom, can I try the slide?” paalam naman ng isang batang babae sa kanyang ina.
Tumango naman ang ginang, “Be careful.”
“Don’t spin too fast or you might get dizzy and fall.” paalala naman ng isang magulang sa mga batang naglalaro sa merry-go-round.
“Mia, come with me. Let’s try the swing.” hila naman ng isa pang babae sa kanyang kasama.
“Mama, gusto ko po ng ice cream.” sabi naman ng isang matabang batang lalaki sa kanyang nanay sabay turo sa kung nasaan ang nagtitinda ng ice cream.
“Hindi mo pa nga nauubos itong baon mong sandwich, nagtuturo ka na naman ng ibang pagkain.” ani ng nanay nito.
“Sige na mama, please.” pagmamakaawa ng bata.
“Ubusin mo muna itong sandwich mo anak, bago kita bilhan ng ice cream.” pakiusap naman ng kanyang nanay.
Hindi naman nagmatigas ang batang lalaki at sinunod na lang nito ang pakiusap ng kanyang nanay. Kinuha nito ang sandwich at naglakad palapit sa kung saan ako nakaupo.
As he walked closed to me, I observed that his weight fits to his height.
“Can I set here?” tanong niya nang nakalapit ito.
Tumango naman ako bilang sagot. Umupo siya at binalatan ang pagkaing dala nito. Hinati niya ito sa dalawa bago bumaling sa akin.
“Gusto mo?” tanong niya habang inaabot sa akin ang kalahati ng kanyang pagkain.
Tumango ako. Kukunin ko na sana ngunit bigla niya itong binawi
“Pay first.” nakangiting sabi niya.
Hindi ako nakapagsalita. Binaba ko na lang ang kamay ko at yumuko dahil sa kahihiyan.
“Just be my friend and you’re paid.“ ani nito.
Inangat ko ang ulo ko at tumingin sa kanya. Tumayo siya at humakbang patungo sa aking harapan.
“Deal?” tanong nito sabay abot sa kamay niyang may hawak na pagkain na parang nakikipagkamay.
Tumango ako. Aabutin ko na sana ang hawak niya ngunit bigla na naman niya itong binawi.
“Say it. Wala ka bang dila?” kunot noong sabi niya.
I smiled at him. “Deal.”
Ngumiti siya bago niya inabot ulit ang pagkaing kanina pa niya inaalok sa akin.