Episode 11: Contradict

2520 Words
“Hey! Quim, wake up.” panggigising sa akin ni Ali na may kasamang pagyugyug sa aking balikat. “Give me five more minutes, please.” I requested. “I can’t. Mali-late tayo kapag sinunod ko pa ang gusto mo.” he explained. “Inaantok pa ako, eh.” reklamo ko sabay kuha ko ng kumot at itinalukbong ito sa aking mukha. Naramdaman kong tinatanggal niya ito pero hindi siya nagtagumpay. “I know. And I’m sorry, but we need to go para mahabol natin ang unang subject natin for this day.” mahinahong sabi niya. Hindi ako umimik. Sinubukan kong idilat ang aking mga mata para sana magising ang diwa ko pero hindi ito nakatulong. Bigla kong tinanggal ang kumot na nasa aking mukha nang maramdaman ko ang kanyang bisig na sumisiksik sa aking likuran. He place his right arm on my lower back while his left arm is on the crook of my knees. Dahil malapit siya sa akin, nanuot sa aking ilong ang naghalong amoy ng body wash at shampoo. His manly scent sent shiever down my spine. Ngayon ko rin lang napagtanto na wala pala siyang suot na damit maliban sa suot niyang boxer short. Nagbunyi ang aking mga mata at sinabayan pa ito ng puso ko na animo kasali sa karera ng mga kabayo sa bilis ng t***k nito. Ang kaninang nakapikit na mga mata, ngayon ay dilat na dilat. “What are you doing?” kinakabahang tanong ko sa kanya. Tumingin siya sa akin. Naghintay ako ng sagot galing sa kanya pero walang dumating. In just one blink, bubuhat-buhat na niya ako. I wrap my arms above his shoulders dahil sa pagkabigla. “What are you doing?” ulit kong tanong. “Put me down. I can walk.” I continued. “I don’t believe you. Sa paglalakad pa lang, ilang minuto na ang magugugol mo.” he stated. Tinignan ko siya ng masama. He giggled before he started to walked towards the bathroom. Pagkapasok namin ay dahan-dahan niya akong binaba bago ito nagsalita. “See. Minutes for you but a seconds for me.” sabi niya na may kasamang nakakalukong ngiti. “Get lost.” I said that makes him laughed. Nagsimula akong maligo pagkalabas ni Ali ng bathroom. I do my usual routines every time I’m taking a bath. Pagkatapos kong maligo ay lumabas na rin kaagad ako dahil ilang beses nang pabalik-balik si Ali sa pangangatok. Isa si Ali sa mga taong ayaw siyang pinaghihintay ng matagal. Mabilis siyang mainip at mainis lalo na kapag wala siyang kasama o ginagawa habang naghihintay siya. Mabilis akong nagbihis dahil ramdam ko ang tensyon sa pagitan namin ni Ali kahit na hindi siya nagsasalita. Pagkabihis ko ay bumaba na rin kami kaagad para mag-check out. “Ali.....” mahinahong tawag ko sa kanya nang nasa daan na kami. Umigting ang panga nito bago ito nagsalita, “What?” maikling tanong niya pero mababakas pa rin ang pagkairita sa kanyang boses. “Ammm... Nothing. Forget it.” tanging sagot ko dahil naunahan ako ng hiya. Tahimik ang naging byahe namin ni Ali. Nag-drive-thru kami sa isang fast food para bumili ng kape. Unang dinaanan namin ang aming bahay. Bumababa ako sa sasakyan at tumakbo papasok sa bahay. Pagkarating ko sa aking kwarto ay nagbihis kaagad ako dahil ayaw kong madagdagan pa ang pagkainis ni Ali. Pagkatapos kong magbihis at mag-ayos ay bumaba na rin ako kaagad. Sunod naman na dinaanan namin ang kanilang bahay. Pinarada niya ang kanyang sasakyan sa harap ng kanilang gate. Bumaba ito at diretsong pumasok sa loob. Hindi na ako sumunod sa kanya. Hinintay ko na lang siya dito sa labas. Hindi rin naman siya nagtagal at lumabas din kaagad. Nagpatuloy ang byahe namin nang wala pa ring imikan. Pagkarating namin sa school ay mabilis siyang nakahanap ng pagpa-parkingan. Pagka-park niya ay siya namang pagtanggal ko sa seat belt na nakapulupot sa akin. I was about to get out of his car when he suddenly pulled my arm na naging dahilan ng pagbalik ko sa dati kong ayos. He sighed heavily before he lean closer to me. He buried his face on my neck that cause me to feel his warmth breath. It tickles me. “I’m sorry!” sabi niya. Hindi ako nakapagsalita kaagad dahil sa gulat. Napatulala ako sa ginawa niya, ganun din sa sinabi niya. “Sorry for what?” tanong ko nang makabawi ako mula sa pagkatulala. “I’m sorry that I have this kind of behaviour.” sagot niya. “I hate it.” he continued. Hindi pa rin nito inaalis ang kanyang ulo sa akin balikat. “I also hate that behaviour of yours, Ali.” pag-aamin ko sa kanya. “I’m sorry.” ulit niyang sabi. I sighed. “It’s okay.” I said as I pat his head. “Try to be patience next time.” I continued. He nodded. “I try. I promise.” Napangiti naman ako sa sinabi niya. Don’t worry Ali, I will help you to that. I promise. Ilang minuto rin ang tinagal namin sa loob ng sasakyan sa gano’ng ayos. Dahil sa tuwang nararamdaman ko ay parang ayaw ko na lang pumasok. It seems like it’s better to cuddle all day with him. Hindi naman ako clingy na tao pero bakit ang sarap sa pakiramdam ang ganitong simpleng ayos. I am not a clingy person, lalo na at lumaki ako ng walang masasandalan man lang. My mother died in giving birth to me. My tita Sally took me and she’s the who raised and took care of me. Simple pero masaya ang naging buhay namin ni Tita Sally. Naranasan kong maging bata sa puder niya kahit na minsan ay naiinggit ako sa mga batang kalaro ko na kasama ang kanilang mga magulang. I was 4 years old when she decided return me to my father because of her health condition. She has a breast cancer. Back then, I didn’t know that you need to be a warrior to fight to this type of disease. Ang akala ko noon ay gagaling din siya dahil marami siyang iniinom na mga gamot pero hindi pala. She died when I was five years old. I don’t remember how I was when my Tita died, maybe because I am still young and innocent to this kind of situation. Living with my father is not easy. It’s true that he took care of me at first, he fed me and he cooked for me, pero kalaunan ay nagbago ang lahat. Every morning, he go to his work and he went home drunk late at night. Minsan hindi na siya nakakapasok sa trabaho dahil sa sobrang kalasingan niya. Minsan naman kailangan niyang magmadali para hindi siya ma-late sa trabaho, kaya ang ending, parehas kaming papasok nang walang laman ang tiyan. Habang lumalaki ako, I didn’t feel that we’re living together. I didn’t feel that I have a father anymore. I even didn’t know if he loves me, when it seems like I am invisible to him. Because of the circumstances that I have, I always remind my self to be brave and in a young age I am independent person. Laking pasasalamat ko nang makilala ko si Ali. Malaki ang naging parte ng kanyang pamilya sa akin. Palagi akong inaaya ni Ali sa kanilang bahay para maglaro pero mas gusto kong tumambay sa kanilang kusina, hindi para kumain pero para matuto. Kailangan ko kasing matuto sa mga simpleng gawaing bahay lalo na ang pagluluto. Mabuti na lang mabait ang kanilang kasambahay at tinuruan niya ako sa mga kailangan ko sa buhay. Dahil doon minsan ay nag-aaway kami ni Ali dahil hindi niya ako nakakalaro. Kaya minsan ay inaaya niya na lang ako sa park para doon maglaro. “Let’s go grab some breakfast before we go to our classroom.” yaya ko kay Ali pagkalipas ng ilang minuto. “Okay.” maikling sagot nito. Dahan-dahan ko namang tinulak ang kanyang ulo mula sa aking balikat. “Five more minutes, please.” he whispered in husky voice. Hindi ako nagsalita. Hinayaan ko lang siya sa gusto niyang mangyari dahil pati ako gusto ko rin ito. “Can we just skip school today?” biglang sabi niya pagkalipas ng ilang sigundong katahimikan. Isang batok ang inabot niya mula sa akin. “Awww...” daing niya sabay angat ng kanyang ulo mula sa aking balikat. Hinimas nito ang parte kung saan dumapo ang aking kamay. “Are you kidding me?” paninimula ko. “Ginising mo ako nang napakaaga kanina tapos sasabihin mong, ‘can we just skip school today’, really Ali.” He smirked. “Ayaw mo?” tanong niya. “Ako gusto ko.” he added. “Kung ganyan din naman pala ang plano mo, di sana mahimbing pa ang tulog ko ngayon.” I answered. Ali laughed. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa lalaking ito at ganito ito mag-isip ngayon. “Bahala ka nga diyan.” sabi ko sabay baba ng sasakyan. Narinig kong bumukas ang pinto na nagpapahiwatig na bumaba na rin ito mula sa sasakyan. Inakbayan niya ako pagkahabol niya sa akin. Sabay kaming naglakad patungo sa paborito naming kainan. May kaunting oras pa naman kami kaya kakain muna kami bago pumasok. Katatapos lang nang pang-umagang klase ko nang tumunog ang aking cellphone dahil sa isang tawag. I picked it up and answered. “Hello!” bati ko sa tawag ni Ali. Inipit ko ang aking cellphone gamit ang aking balikat at nagsimula na akong ligpitin ang aking mga gamit. “Where are you?” tanong niya. “Nasa classroom pa. Kakatapos lang kasi ng klase ko.” I answered. “Nasaan ka ba at pupuntahan na lang kita diyan?” I asked. “Clinic.” tipid na sagot niya. Napatigil ako sa aking ginagawa. Napahawak ako ng maayos sa aking cellphone. “Anong ginagawa mo diyan? Are you okay?” sunod-sunod na tanong ko. “Buy me lunch on your way here, okay.” sabi niya imbes na sagutin ang aking mga tanong. “Ali...” tawag ko pero agad niya itong pinutol. “Please, Quim.” “Fine. Wait for me then.” I surrendered. Pinatay ko ang tawag at nagmadaling lumabas ng classroom. Bumili muna ako ng lunch bago ako pumunta sa school clinic. Kumatok muna ako sa pintuan ng clinic bago ako pumasok. Naabutan ko sa loob si Miss Agatha, ang aming school nurse, na nag-aayos ng kanyang sarili. “Good afternoon, Miss.” bati ko sa kanya pagkapasok ko. “Good afternoon.” balik niyang bati sa akin. “Mabuti at nandito ka, samahan mo muna si Ali rito. Kailangan ko kasing umalis dahil may meeting ako nang ala-una.” she continued. “Gano’n po ba. Sige po, Miss. Ako na po muna ang bahala kay Ali rito.” Ngumiti siya bago ito nagsalita. “Thank you, Quim.” “Salamat din po.” nakangiting sagot ko naman. “Okay. Sige na at aalis na ako.” paalam niya. “Sige po. Mag-iingat po kayo.” Hinintay ko munang makalabas si Miss Agatha bago ako nagtungo sa bed kung nasaan si Ali. Pagkalapit ko sa kanya ay umupo ako sa gilid ng kanyang kama. “Are you okay?” I asked while examining his temperature using my hand. Hinawi niya ang kamay ko bago ito nagsalita. “Are you close with Miss Agatha” “What? No. What kind of question is that?” sagot ko. “Really?” “Really? Can you just answer my questions earlier.” Bumuntong hininga siya. Tumayo ito mula sa pagkakahiga at umupo ito sa kanyang kama. “It’s not serious but I feel sick. Maybe because of tired.” sagot niya sa kanina pang tanong ko. “Then, why you didn’t tell me earlier?” “I did tell you earlier.” sagot niya pero wala akong matandaan. “Remember, at the parking lot.” he continued. Now I remember, he wants to skip school today. “But you didn’t tell me directly." “Sa susunod kasi, magtanong ka muna kung bakit bago ka mamatok.” Bigla akong nahiya sa sinabi niya. Iniwas ko ang aking mga mata sa kanya. Nahagip nito ang mga pagkaing dala ko kanina na ipinatong ko sa lamesang nandoon. “Let’s eat.” pag-iiba ko ng usapan. Inabot ko ang plastic bag kung saan nakalagay ang aming mga pagkain. Inabot ko kay Ali ang para sa kanya bago ko naman nilabas ang sa akin. Binuksan namin ang mga ito at sabay na kumain. Pagkatapos naming kumain ay inabot ko naman sa kanya ang tubig at gamot na iniwan ni Miss Agatha kanina. “Here, take your medicine.” “Thank you.” sabi niya pagkainom niya nang gamot. Nginitian ko siya. “What do you think of skipping class this afternoon?” biglang tanong ko na nagpaaliwalas sa mukha niya. “Let’s go.” mabilis na tugon niya. Inabot nito ang kanyang sapatos at mabilis itong sinuot. Bumaba siya sa kanyang kama bago nito kinuha ang mga bag naming dalawa at nauna nang naglakad palabas ng clinic. Napailing na lang ako nang nakangiti habang pinupulot ko ang mga basura naming dalawa. Pagkatapos ko sa aking ginagawa ay sumunod na rin ako kay Ali na parang batang napagbigyan ng kahilingan. Sa bahay nila Ali kami dumiretso. Wala sila tita at tito ngayon dahil may mga trabaho ng mga ito. Ang mga kasambahay ang sumalubong sa amin at tinanong kami kung ano ang mga kailangan namin at sinagot naman ito ni Ali ng maayos. Umakyat kami sa taas kung nasaan ang kanyang kwarto. Pagpasok namin ay agad siyang humiga sa malambot niyang kama. “Change your clothes first before you rest.” paalala ko sa kanya. “Come here.” sabi niya imbes na gawin nito ang sinabi ko. Bilang masunuring kaibigan ay sinunod ko ang utos niya. Kahit na may kaunting kaba sa aking dibdib ay dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Uupo na sana ako sa kanyang kama nang bigla niyang hatakin ang aking isang kamay dahilan nang pagkakahiga ko sa tabi niya. “W-what are you doing?” nauutal kong tanong. “I’m cold. I need warmth.” sagot niya sabay pulupot nito ng kanyang braso sa aking katawan at sinubsob ang mukha nito sa aking dibdib. “U-use your blanket.” nauutal pa rin na sabi ko dahil sa kaba. Sinubukan kong tanggalin ang kanyang ulo sa aking dibdib dahil sa sobrang kaba ko ay hindi ko ipagkakailang naririnig nito ang lakas ng t***k ng puso ko, pero dahil sa lakas at higpit ng yakap niya ay hindi ako nagtagumpay. “It’s not effective.” he whispered dahilan ng pagtindig ng aking mga balahibo dahil sa init ng kanyang hininga. Mas tumindi ang kaba ko lalo na when I heard him chuckled. “I don’t like your scent.” sunod niyang sabi. “Let me go, then.” sabi ko pero imbes na bitawan niya ako ay mas lalo pang humigpit ang yakap nito sa akin. Hindi ko alam kung maniniwala ako sa mga sinasabi niya because his actions contradict to his words.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD