“Good evening, sir. What can I get for you?” magalang na bati ni Maia sa isang costumer.
“Can I have one medium hot chocolate and two pieces of croissant, please.” he ordered.
“Do you have anything else to add, sir?” tanong ni Maia pagkatapos niyang i-pin sa aming POS system ang kanyang order.
“Nothing. That’s it.” he answered.
“Will that be for here, or to go, sir?
“For here, please.”
“That’s 296 pesos, sir.” sabi ni Maia at inabot naman nito ang kanyang bayad.
“You can pick it up at the next counter, sir. Thank you.” Maia said, pagkaabot niya sa kanyang sukli.
“Can I have Quim to just deliver my orders to my favorite seat?” tanong ng costumer bago ito sumulyap sa kung nasaan ako.
“Okay, sir.” pagsang-ayon naman ni Maia.
Pagkaalis ng costumer ay bumaling si Maia sa akin na hindi ko mawari kung naiihi ba ito o kinikilig. Napailing na lang akong tumungo sa machine para ihanda ang kanyang order.
Pagkahanda ko ay hinatid ko na agad ang mga ito.
“Here’s your order sir.” I said as placed his order on his table.
“Thank you. Have a seat.” anyaya niya sa akin.
Lumingon muna ako sa may counter para tignan kung may mga nakapilang mga costumer. Pero imbis na mga costumer ang makita ko ay ang mga mata nina Maia at Noaoh na nakatingin sa direksyon naming dalawa ni Ali.
“It’s okay.” Maia mouthed as she understand my action.
Tumango ako at ngumiti. “Thank you.” I mouthed back.
Maia, Noaoh, and I have been working together for a long time. Bukod kay Ali ay sila ang tinuturing kong mga matatalik kong kaibigan. Sa kanila ko nasasabi ang mga problemang hindi ko alam kung bakit hindi ko kayang sabihin kay Ali. Hindi nakakatakas sa kanila ang mga kilos at galaw ko, kaya kahit na anong deny at paliwanag ang gawin ko tungkol sa kung anong nararamdaman ko ay hindi i-epekto sa kanilang dalawa.
“Why are you here?” tanong ko sa supladong si Ali.
Hindi ko alam kung may nalanghap ba siyang masamang hangin na nagpabago sa kanyang maaliwalas na mukha kanina.
His mood now is far different on how he cheerfully ordered his food earlier.
“Why? Bawal na ba akong pumunta ngayon dito? Am I disturbing you to someone?” balik niyang tangon sa akin.
“No. Hindi ganyan ang ibig kong sabihin. Akala ko kasi may lakad kayo ngayon ng mga kaibigan mo.” paliwanag ko sa kanya.
He closed his eyes and took a deep breath to calmed himself.
“Hindi kami natuloy dahil may biglaang lakad ang family ni James.” mahinahong sabi niya, pagkamulat niya ng kanyang mga mata.
“Ah, kaya pala.” I murmured.
That’s it. Nandito si Ali dahil hindi niya kasama ang mga kaibigan niya. I don’t have right to complain about that. Nagpapasalamat na lang ako na kahit papaano ay naaalala niya pa rin akong puntahan.
He frowned as he didn’t get what I’ve said.
Umiling ako, “Never mind.”
“Anong oras matatapos ang duty mo?” tanong niya at inabot nito ang kanyang hot chocolate.
“Eleven o’clock.” maikling sagot ko.
My duty starts at five o’clock in the afternoon until eleven o’clock in the evening. Tatlo kaming nakaduty ng ganoong oras; ako, si Maia, at si Noaoh. Mahirap siya noong una, lalo na noong pinag-aaralan ko pa lang ang mga ingredients, sukat at dami ng mga ito, at kung paano gamitin ang mga iba’t-ibang machine sa paggawa nga kape. Hindi naman nagtagal ang pag-aaral ko sa mga ito dahil na rin sa tulong ni Noaoh. Si Maia ang nasa cashier counter habang kami naman ni Noaoh ang gumagawa at naghahanda sa mga order.
Hindi naman gaanong kalakihan itong coffee shop na pinapasukan ko. Minsan marami kaming costumer, minsan naman ay kunti lang, katulad na lang ngayon.
He sighed
“Don’t worry. Huwag mo na akong hintayin.” pagbabasakali kong biro sa kanya.
“And who told you that I’ll wait for you?“
“Ikaw.” sabi ko na naging sanhi ng pagkasamid niya.
Tinawanan ko siya dahil nagkalat ang iniinom niyang hot chocolate sa kanyang puting t-shirt. Dali-dali siyang kumuha ng tissue para punasan ang mantsa sa kanyang damit.
Natigil ako sa pagtawa nang bigla siyang tumayo at tinignan ako ng masama. Gamit ang kanang kamay ko, tinakpan ko ang aking bibig para pigilan ang aking tawa.
He gritted his teeth because of annoyance.
“It’s not funny Quim.” mahinang sabi niya na para bang nangkokonsensya, bago ito naglakad patungong comfort room.
Tumayo naman ako at naglakad papunta sa aming locker room.
“Anong nangyari?” tanong ni Noaoh nang napadaan ako sa harap nila ni Maia.
“Nothing.” maikling sagot ko.
Iniwan ko silang dalawa at dumiretso na sa aking locker. Kinuha ko mula rito ang extra t-shirt ko na pampapalit ko sana mamayang uwian. Ipapahiram ko na lang ito kay Ali dahil alam kong ayaw niya ng marumi.
Naabutan ko siyang wala ng suot na pang-itaas. Nakadungaw siya sa may sink ng CR at doon kinukusot niya ang kanyang damit na may mantsa.
“Mas lalong kakalat ‘yan kung kinukusot mo nang ganyan.” sabi ko pero hindi niya ako pinansin.
“Here. Ito na lang isuot mo.” sabi ko sabay abot ng damit ko sa kanya.
“Fine. Kung ayaw mo, ibabalik ko na lang ito sa aking locker.” sabi ko nang hindi pa rin niya ako pinapansin.
Pero bago ko pa man siya matalikuran ay hinablot na nito ang damit na hawak-hawak ko. Sinuot niya ito at lumabas ng walang sabi-sabi.
Kinuha ko muna ang basang damit niyang nasa sink bago ako lumabas. Ang akala ko ay bumalik siya sa kanyang lamesa pero wala akong nakita ni anino niya. Wala akong ibang nakita kung hindi ang pagkaing hindi niya naubos at ang bakas ng hot chocolate na nagkalat sa lamesa.
I sighed.
“What happened? Bakit mukhang badtrip si Ali na umalis?” tanong ni Noaoh.
Nagkibit-balikat lang ako bilang sagot.
Nakita ko kung paano nag-usap ang mga mata nilang dalawa dahil sa sagot ko.
Umiling na lang ako bago dumiretso sa locker room para ilagay ang namantsahang damit na iniwan ni Ali. Lumabas ako at tumungo sa mesang inukupa ni Ali kanina upang iligpit at punasan ito.
Nagliligpit na kami ng mga gamit nang biglang nagtanong si Maia, “Ano ba kasing nangyari?”
“Hindi ko rin alam eh.” sagot ko naman.
“Kung wala lang ‘yon, bakit gano’n na lang siya kung umasta?” sabat naman ni Noaoh.
Hindi ako umimik dahil pati ako ay hindi ko rin alam kung bakit pinapakitaan niya ako ng gano’ng ugali niya.
Nagpatuloy na lang sila sa kanilang ginagawa nang wala silang makuhang sagot mula sa akin.
Nang natapos na kami sa lahat ng mga dapat naming gawin ay nagkayayaan na kaming umuwi.
“Paano ba ‘yan, mauuna na ako sa inyong dalawa. Nandyan na ang sundo ko.” paalam ni Maia sa aming dalawa ni Noaoh.
I just nodded in response.
“Talk to him.” sabi niya sa akin.
I nodded as response.
Kanina pa ako tahimik kaiisip kong anong nagawa kong mali kanina. Hindi ko alam kung anong ikinagalit niya o wala lang talaga siya sa mood makipagbiro.
“Noaoh, ikaw na bahala kay Quim, ha.“ baling naman niya kay Noaoh. “Ihatid mo siya ng maayos at baka sugurin tayo ni Ali kung may mangyaring masama sa kanya.” pagbibiro nito.
Umiling ako nang nakangiti.
“You’re blushing.” natatawang pang-aasar niya sabay turo sa mukha ko.
“No. I’m not.” I said before looking away from her gaze.
“Tigilan mo na si Quim.” pagtatanggol ni Noaoh. “Puntahan mo na lang ‘yong boyfriend mong kanina pa naghihintay at baka kami pa ni Quim ang sugurin niyan dahil sa selos.”
Sabay-sabay kaming bumaling sa boyfriend ni Maia na nakatayo sa kabilang gilid ng kalsada at masamang nakatingin sa amin.
“Cute.” bulalas ni Maia. Parang gustong-gusto niya pang makitang gano'n ang boyfriend niya.
Hindi nagtagal ay nagpaalam na rin kami sa isa’t-isa.
“Let’s go.” yaya ni Noaoh sa akin nang mabuhay nito ang kanyang motor.
Nilalakbay na namin ni Noaoh ang daan patungo sa amin bahay ng biglang umambon. Hindi naman ito gaanong malakas kaya napagpasyahan naming huwag ng tumigil at sumilong dahil na rin sa pagod at gusto na lang magpahinga. Dinahan-dahan na lang nito ang pagpapatakbo sa kanyang sasakyan.
“Where here.” sabi niya nang huminto kami sa aming bahay na wala pang nakasinding ilaw.
“Thank you, Noaoh.” sabi ko pagkababa ko sa kanyang motor.
He pat my head and said, “You’re always welcome.”
I smiled at him.
“Pumasok kana para makaligo kana. Huwag kang magpatuyo at baka magkasakit ka pa.” paalala niya.
I nodded. “Thank you.” ulit kong pasasalamat sa kanya.
He smiled.
I smiled back as I wave to say goodbye to him.