Episode 5: Sick

2364 Words
“Hello!” bati ko kay William pagkasagot niya sa aking tawag. “Hello! What’s up?” sabi nito. “Can you do me a favor?” nahihiyang tanong ko. “Of course, basta ba kaya ko ‘yang flavor na ipapagawa mo.” sagot naman nito na ikinalito ko. “Ano ba ‘yang flavor na ‘yan? Chocolate, strawberry, cheese or what?” Natawa ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung naintindihan niya ba ang salitang favor na sinabi ko o talagang nagbibiro lang siya. “It’s favor not flavor, William.” natatawang pagtatama ko sa kanya. “Oh! Sorry. Napaghahalataan ang gutom.” natatawang sabi niya. “Ano bang favor ‘yan?” pagtatama niya sa sinabi niya kanina. “Gagawin ko basta ba kaya ko.” “Thank you.” pasasalamat ko sa kanya. “Hey! Huwag ka munang magpasalamat.” sabi nito. “Sabihin mo muna kung anong kailangan kong gawin bago ka magpasalamat.” dagdag niya. Nagkamot ako ng ulo bago nagsalita. “Pwede mo ba akong gawan ng excuse letter?” nahihiyang tanong ko. “And let Alex sign for it.” dagdag ko. “Dinamay mo pa ako.” si Alex. Hindi ko alam na magkasama pala sila. “Sorry, Alex.” nahihiyang paghingi ko ng despensa. “Fine. Sabihin mo muna sa amin kung para saan ang excuse letter na pinapagawa mo.” tugon ni Alex. I sighed. “I can’t go to school right now because I’m sick. Lumala ang nararamdaman ko kahapon.” pag-aamin ko sa kanila. “See, I told you. There is something on you yesterday.” malakas na bulalas ni Alex. “You told us that you’re fine, but you really not.” dagdag naman ni William. Alam kong mali na nagsinungaling ako sa kanila kahapon, pero nagawa ko lang naman iyon dahil ayaw kong maapektuhan ang pag-aaral ko sa kung anong nararamdaman ko. “Sorry.” tanging nasabi ko na lang sa kanila. I heard their sighs from the other line. “Fine. We will do it.” sabi ni William. I smiled. “Thank you.” sabi ko. “Mabuti na lang at may kaibigan akong katulad niyong dalawa.” pabiro kong dagdag sa kanila. But the truth is, I am very thankful to have them as my friend. At sana hindi sila magbago kung dumating man ang araw na makilala nila ang tunay na ako. “Anong thank you? May kapalit kaya ito.” natatawang pagbibiro ni William. Natawa ako. “Alright. Basta ba kayo ko.” pagtutulad ko sa sinabi niya kanina. “Hey! That’s my line.” natatawang bulalas niya. “Gano’n ba. Pahiram muna ako.” natatawang tugon ko naman sa kanya. “Don’t worry, isasama ko na lang ito doon sa hihingin kong kapalit sa hinihingi mong favor.” walang pag-aalinlangang sabi niya. “Hey! Hinay-hinay lang.” sabi ko na may halong pangamba. “Baka mamulubi ako ng wala sa oras sa hihingin niyo, ha.” I heard their chuckles from the other line. “Don’t worry. Bibigyan ka namin ng friendly discounts.” sabi ni Alex na tinawanan naman namin. “Sige na at papasok na kami sa room.” walang anu-ano’y paalam nilang dalawa. “Okay, good luck sa inyong dalawa.” sabi ko. “Pa-update na lang ako kung may kailangan tayong gawin. At tsaka, pahiram na lang din ako ng mga notes niyo para makahabol ako sa mga lesson niyo ngayon.” pahabol kong sabi. “Fine. Idadagdag na lang namin ito lahat sa hihingin naming kapalit.” nakakalukong sabi ulit ni William. Napailing na lang ako nang nakangiti sa sinabi niya. “Awww...” narinig kong daing ni William sa kabilang linya. “Leave Quim alone. Pinapalala mo lalo ang sakit niya sa mga pinagsasabi mo.” saway ni Alex kay William. “Pasensya kana, Quim.” baling niyang sabi sa akin. “Okey lang. Sanay na ako.” maikling sagot ko naman sa kanya. “Sige na. Ibababa ko na ito para makapagpahinga ka na rin.” sabi ni Alex. “Don’t forget to eat and take your medicine.” dagdag niyang paalala sa akin. “Okay. Maraming salamat sa inyong dalawa.” sabi ko bago pinutol ang linya. Kahit papaano ay guminhawa ng kahit kunti ang nararamdaman ko sa tawag na iyon. Even for a moment, I forgot whatever I was feeling earlier. That call made me smile. Sa totoo lang ay late akong nagising dahil sa late rin akong nakatulog kagabi kakahintay sa reply ni Ali na hanggang ngayon ay wala pa ring dumarating. Hindi ko naman aakalaing lalala nang ganito itong nararamdaman ko. Nagising na lang ako kanina na sobrang bigat ng pakiramdam ko at ang init ng lumalabas na singaw sa aking mata. Sinubukan kong tumayo para sana habulin ang first class ko, pero pagkabangon ko pa lang ay umikot na ang paningin ko dahil sa hilo. Napapikit ako nang dahil doon. Hinawakan ko ang aking ulo, dahan-dahang bumangon, at sinandal ang aking katawan sa headrest ng aking kama. I stay still in that position. Nang humupa ang hilo ay dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata, saka sinubukan ulit na gumalaw pero nahilo ulit ako. “Bakit sa akin pa ito tumama.” naiinis kong bulalas ‘gayong marami akong kailangang gawin. Pagkatapos nang tawag na iyon ay bumalik na lang ulit ako sa pagkakahiga. Walang anu-ano ay tumunog ang aking cellphone dahil sa isang chat. Mabilis ko itong kinuha at binuksan ang chat head. It was William, he sent me a picture of a favor that I asked from them. I smile as I type my reply. ‘Thank you.’ message sent. Binaba ko ang aking cellphone pagka-send ko ng aking reply. Pinikit ko ang aking mga mata at dahil na rin siguro sa nararamdaman ko ngayon kaya mabilis akong nakatulog. Nagising ako nang may kung anong mabigat na nakapatong sa aking dibdib. Dahan-dahan kong dinilat ang aking mga mata at nakitang inaagaw na ng dilim ang liwanag. Pumikit ako at napadaing dahil pa rin sa bigat ng aking nararamdaman. “Are you awake?” walang anu-ano’y may nagsalita. Dahil sa gulat ay napabangon ako bigla na naging dahilan ng pag-ikot uli ng aking paningin. “Awww...” daing ko, sabay pikit at hawak sa aking ulo. “Hey! Are you okay?” nag-aalalang tanong ng taong hindi ko alam kung sino. Kahit na nahihilo pa ay minulat ko ang aking mga mata para makita kung sino itong estrangherong kasama ko ngayon. I was surprised by what I saw. It was Ali. The man that I was missing all the time. He held my face with both his hands. He stare at me like he was examining my condition. His face was too close to mine that I can also examine his face. His round brows were not so thick or thin over his almond-shaped eye. I just found out that he has a tiny mole on the lower part of his right eye. He has a pointy nose which makes my finger want to slide on it. He has a well-defined cheekbones and a concrete jaw. And his lips feels like it is soft. “A..ali.” nauutal kong sabi nang natauhan ako. “How are you?” tanong niya. “Anong ginagawa mo dito?” tanong ko imbis na sagutin ko ang kanyang tanong. “Paano ka nakapasok?” sunod kong tanong sa kanya. Hindi siya sumagot. Nakatitig lang ito sa akin na parang hindi niya narinig at naintindihan ang mga tanong ko. Hinawi ko ang kanyang mga kamay na nasa aking mukha. “Ali.” saway ko sabay hawi sa kanyang mga kamay. Ang kaninang nag-aalalang mga mata ni Ali ay napalitan ng inis. “I used my feet to walk and your doors to entered.” pilosopong sagot niya. “Paano mo nalaman?” tanong ko ulit. Inabot niya ang kanyang bag at kinuha mula rito ang isang piraso ng papel. Inabot niya ito sa akin na kinuha ko naman. Binuksan ko ito at nakitang ito ang excuse letter na pinagawa ko kanila William at Alex, na kagaya rin ng sinend niyang picture sa akin. “Bakit nasa ‘yo ‘to?” tanong ko sa kanya. “Napulot ko ‘yan malapit sa may trash can.” sagot niya na ipinagtaka ko naman kung bakit ito nandoon. ‘Ah, baka scratch lang nila ito at nasa kanila ‘yong original.’ sabi ng isang bahagi ng aking isip. “Are you done with your questions?” tanong niya nang natulala ako. “Then it’s my turn.” Hindi ako umimik bagkus ay naghintay na lang ako sa kung anong sasabihin niya. “How are you feeling?” tanong niya, gamit ang kanyang nag-aalalang boses. “I’m fine. It’s just a flu.” maikling sagot ko. “Come on Quim, don’t make me fool.” mahinahon pero mababakas ang galit na sabi niya. “Hindi ka ba naturuan kung saan ginagamit ang salitang ‘I’m fine’?” dagdag niya. Napangisi ako dahil doon sa tanong niya. Naalala ko kung paano ko siya tinuruan noon ng salitang ‘Good Morning’. “When someone ask you, ‘how are you?’, we answer it either ‘I’m fine’ or ‘I’m not fine.” malumanay niyang sabi. He raised his both hand and placed it on the side of my head. With the used of his fingertips, he move in a small circular motions by applying light to medium pressure on my head. Napapikit na lang ako dahil sa ginhawang binibigay nito sa akin. “We used ‘I’m fine’, kung wala tayong mabigat na dinadala.” sabi niya, habang ipinagpapatuloy nito ang pagmamasahe sa aking ulo. “We used ‘I’m not fine’, kung may mabigat tayong dinadala.” Nagpatuloy lang siya sa kanyang ginagawa ng walang nagsasalita sa aming dalawa. The relaxation he gave me feels so good, kaya naman hindi ko maiwasang ngumiti. Walang anu-ano ay tumigil siya. Dumilat ako at sumalubong sa akin ang kanyang mapupungay na mga mata. “How are you feeling?” ulit niyang tanong. “Better than earlier.” nakangiting sagot ko. He pat my head while smiling, “That’s good then.” We stared at each other for how many seconds. Dahan-dahan kong iniwas ang aking tingin dahil sa kahihiyan. As I look away from his gaze, I took the opportunity to examine the man in front of me. Tinignan ko siya mula ulo at dahan-dahan itong bumaba hanggang sa kanyang katawan. I was shocked. Ngayon ko lang napansin na wala pala siyang suot na pang-itaas. Nabalik nang wala sa oras ang tingin ko sa kanyang mga mata. Siya naman ngayon ang umiwas ng tingin. “Ummm, naabutan kitang nanginginig sa lamig kanina, so I took off my clothes to gave you warmth through hug.” nahihiyang sabi niya nang mapanasin nito ang mga tanong sa aking mukha. Pagkasabi niya no’n ay binalik ko ang aking tingin sa kanyang dibdib dahil sa isang bagay. Tinaas ko ang aking kanang kamay at inilapit ito sa kanyang dibdib na may sugat. I feel guilty. Ngayon ko lang naalala na hot chocolate pala ang iniinom niya noong araw na iyon. I laughed at him instead of asking about his condition that time. “I’m sorry.” I said as I caressed his burnt skin. Hinawakan niya ang kamay kong humahaplos sa kanyang sugat dahilan upang mapatingin ako sa kanya. “I’m better now.” nakangiting sabi niya na para bang natutuwa siya na natuto ako sa pagkakamali ko. I tried to smile but I couldn’t get rid of the guilt even though he said he was okay. “Are you not yet hungry?” pang-iiba niya nang usapan. “May dala akong lugaw kanina. Binili ko kanila Mang Sabelle.” sabi niya, referring to the owner of his favorite food court. “I will heat it first.” Tumango lang ako. Isinuot niya muna ang kanyang damit bago siya lumabas ng aking kwarto. Pagkasarado niya ng pinto ay tinignan ko ang oras sa aking wall clock. It was already six o’clock in the afternoon, at ngayon ko lang naalala ang trabaho ko. Dali-dali kong kinuha ang cellphone ko para sana i-message sina Maia at Noaoh, pero napatigil ako at napangiti nang nabasa ko ang mensahe doon. It says: 'Good day! Sorry, but Quim can’t go to his work today because he’s sick. I hope you understand. Ali’ I smiling like an i***t to that message and I don’t know why. Is this because I am sick that I feel like I’m crazy. Mahina kong pinukpok ang aking ulo gamit ang aking kamay dahil sa kabaliwan na nangyayari sa akin ngayon. “What are you doing?” tanong ni Ali na ikinagulat ko dahil hindi ko namalayang nakabalik na pala siya. Umiling ako bilang sagot bago umayos ng upo. Inabot niya sa akin ang pagkain bago siya umupo sa tabi ko. “Thank you.” sabi ko na tinanguan naman niya. Nakailang subo na ako nang may naalala akong itanong sa kanya. “Paano pala ‘yong klase mo kanina?” “Don’t think about it. I have my friends to cover me up." nakangiting sagot niya. Ngumiti na lang din ako at ipinagpatuloy ang pagkain. Naubos ko naman ito dahil na rin siguro sa gutom. “Take this.” sabi ni Ali sabay abot ng gamot at baso ng tubig sa akin. “Go to sleep, nang makapagpahinga ka ng maayos.” sabi niya nang binalik ko ang baso sa kanya. ‘Paano ikaw?’ tanong na hindi ko isinatinig. “I will stay here beside you.” sabi niya na para bang narinig niya ang tanong ng aking isip. I hope that you’re still here by my side even if you know the real me. “Thank you, Ali.” nakangiting sabi ko bago pumikit. “You’re always welcome.” mahinang tugon naman niya. I smiled. This day was so precious for me. This sick made my day so meaningful. Hindi ko alam kung bakit ngayon ay tuwang-tuwa akong nagkasakit ako gayung kaninang umaga lang ay naiinis ako. This sick makes me crazy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD