Kulam Vs Revenge: Part 3

1119 Words
Marahil Naiisip niyo na Ubusan ng Lahi ang mga nangyayari, Nagsisisi man ako dahil nadamay ang baby pero Huli na. Sa pagpapatuloy ko sa Storya ay Humihingi ako ng Pang uunawa Tungkol sa Susunod na Mababasa niyo. Matapos ilibing c baby dito lang sa Cagayan de oro, Lagi akong tulala Tumutulo nalang yong Luha ko kapag naiisip ko ang masasayang araw nong kasama ko pa ito, naaalala ko yong araw na ipinanganak siya nong araw na una kong makita at makarga habang hinahalikan ko ang pisngi. Nagpupuyat sa gabi sa pagbabantay kapag umiiyak, chinecheck ang diaper, tinitimplahan ng gatas. Sobrang nakakalungkot na hanggang sa Alaala nalang lahat yon, halos gabi gabi ako umiiyak nakakatulog ako na may lungkot at kahit sa pagising ko nakikita ko yong duyan niya sa kwarto. Nasasaktan ako kapag minamasdan ko ito lalo na yong picture niya na nakasabit sa Dingding ng kwarto na naka Ngiti. Dumating ang ika 40 days ni baby at Gabi yon Habang Natutulog ako Napanaginipan ko si Baby iyak siya ng iyak nakatalikod ito, nilapitan ko at nong humarap ito nagulat ako sa nakita ko Umiiyak siya ng Dugo. aatras na sana ako pero biglang may humawak sa likod ko, humarap ako para makita ko kung sino ang humahawak sa likod ko. Tama nga ang hinala ko si papa ang nakahawak sa akin Hindi ako makapagsalita at c baby lumapit sa lolo niya at kinarga siya nito. "Musogot ka nga ingun ani lang walay hustisya sa imong anak nga ilang gidamay sa ilang Gibuhat?" (papayag ka na lang ba na walang Hustisya sa ginawa nilang pagdamay sa Anak mo?) ito ang tanong ni papa sa akin. Sinagot ko siya na tama na baka may madamay na naman, Nagalit c papa at sinigawan niya ako "Plano nila nga hutdon ang tanan nakita mana nimo katong ilang gi lubong sa dakong cross.!!" (Pinaplano nila na uubosin ang lahat at alam mo yan nong may inilibing sila sa may malaking cross..!!) Tama c papa at bumalik sa alaala ko yon. Nagising ako non at isang nakakaTakot na pagising ang bumulaga sa akin. isang naka itim na tela na may kamay ang bigla akong sinakal Hindi ako makagalaw Lumuluha na yong mata ko at nahihirapan na akong huminga. Nagdasal ako sa diyos at humingi ng tulong na bigyan ako ng lakas para labanan tong naka patong na itim na tela na sumasakal sa akin. Mabilis ang mga pangyayari may biglang humablot dun sa itim na tela Hindi ko makita kung sino kasi blured na yong paningin ko. nag aaway yong itim na tela at yong parang usok na puti sa loob ng kwarto hanggang sa natalo yong itim na tela at lumabas sa bintana. kitang kita ko yon, kung paano pinalayas ng puting usok ang maitim na tela. nakakatakot sino o anu kaya yun? yon ang tanong na nasa isip ko yong live in partner ko tulog na tulog wala siyang alam sa mga pangyayari, lalabas sana ako para uminom ng tubig pero biglang may humawak sa kamay ko. pag lingon ko yong live in partner ko. Tulog pero ang pagkakapit niya sa akin ang higpit. ginising ko siya at nagising naman siya kinewento niya yong panaginip niya buti daw at ginising ko siya kasi sa panaginip niya may sumakal daw sa akin na itim na tela at tinulongan niya daw ako nakipag away daw siya dito dahil ayaw niyang mapahamak ako. kinilabotan ako sa kwento niya ibig sabihin siya yong puting usok? naloko na kung natalo siya nong itim na tela marahil siya ang mapapahamak. Hindi ko na sinabi na hindi lang basta panaginip yon totoong nangyari at kitang kita ko yon, lumabas yong kaluluwa niya sa katawan para tulongan ako. how sweet naman pero dilikado yon. Pagkabukas non Tanghali Pumunta akong Cementeryo para sa isang mission para maghigante sa mga kumulam kay baby. Dala dala ko yong Damit ni baby na hindi pa nilalabhan. Nag antay ako dun sa cementeryo Hanggang alas 3 ng Hapon. At sinimulan ang aking pakay Nag dasal ako ng latin at nag tirik ng kandila na itim (perdon) pabaliktad ang pagsindi Habang sinasambit ko yong mga latin na dasal ay naririnig ko na ang mga kaluluwang naninirahan sa cementeryo at kasama ko ang kaluluwa ni papa na sumabay sa dasal. pagkatapos non ay kumuha ako ng basag na bote at sinugatan ko ang aking kamay at pinatulo yong dugo ko sa Lupa kaharap ng puntod ni baby. Pinatuloan ko din ang damit ni baby ng dugo mula sa sugat ko. pagkatapos non inilibing ko yong damit na may dugo ko sa may paanan ng puntod ni baby. Sabay sabi Na "buhay ng bata ang nawala buhay din nila makukuha". Umingay ang paligid maririnig mo ang sigaw ng mga kaluluwa Hindi ko sila nakikita pero ramdam ko na nasa paligid sila yong iba humihingi rin ng tulong pero Hindi iyon ang pakay ko dito. nong marinig ko ang boses ni papa na kailangan ko nang umalis bago matapos ang Oras na alas 3 dahil kapag lumampas daw ako ng oras Hindi na ako makakalabas ng cementeryo. Syempre binilisan ko na lakad ko palabas ng cementeryo halos takbo at talon sa mga puntod ginawa ko makalabas lang natakot din ako kasi. Nong makalabas na ako nagpa usok ako kaagad para hindi ako sundan ng mga kaluluwa at nagpagpag ako ang hapdi pa nga ng sugat ko sa kamay. [FastForward] Isang linggo ang nakalipas bumiyahe kami papuntang lanao del norte kasi birthday yun ng Kapatid ng Live in partner ko. Pagdating namin doon ang saya ng kwentohan, inuman at biglang may nagkakagulo sa kapitbahay agad namin tiningnan kung anu yong pinagkakagulohan nila. Isang bata 1year old ang isusugod daw nila sa hospital dahil bigla lang daw itong nangisay at mapotlang mapotla na. Alam niyo ba kung anong pamilya yon? Syempre yong pamilya na mahilig mangkulam Apo nila yong isinusugod sa Hospital, patuloy kami sa kasiyahan at inuman namin. Sabi ko pa nga Problema na nila yan ganyan talaga ang buhay. pagkabukas non napansin namin na may mga upoan at mesa na nasa labas nila at yon Dumating ang Kabaong at oo Tama nga ito na yong Resulta sa Pinagagawa nila Mali sila ng kinalaban, Mali man ang Gumanti pero kapag buhay na ang nawala Kahit yan pa ay mali gagawin mo pa rin tama para sa iyong mahal. Paalala lang mga ka spookify readers Huwag po ninyo tangkain ang mga nabasa niyo dahil maari ninyo itong ikapahamak kung para sa pansarili niyo ito gagawin tulad ng may kaiingitan kayo may kinaiinisan. Hindi ko inilagay yong mga words na latin para na rin hindi ito gayahin at may mga ginagawa pa na hindi ko na isinama sa kwento. -Salamat Silent Rasta
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD