Almost Five hours ang naging biyahe namin. Pasado eleven na ng gabi kami nakarating sa kanilang resort. Tulog na nga si Seff nung nandito kami kaya inilalayan na siya ng mga staff ng resort para dalhin siya sa tinutuluyan ngayon nina mommy at step dad ko. Akala nung una ito ay isang private resort but later on when we arrived in here is we were welcomed by loud music. Halos gising pa lahat at may kanya-kanyang gimik ang bawat bumibisita dito. Masyado ring malayo mula sa publiko ang daan kaya mapagkakamakalan mong private talaga. Panay lang yung pagmamasid ko sa mga taong nandito. Kahit nga ako ay nawala ang antok dahil sa musika at ingay na gawa nila. "Dad and I decided to open this resort in public since my mom died." Nagulat ako sa biglang pag-imik ni Xylan. Patay na pala ang mom niy

