Maigi kong pinagmasdan ang mga kuhang larawan ni Seff. Nakatitig lamang ako sa isang anghel na nakangiti. Bakas sa mukha niya ang tunay na kaligayahan. Kanina ko pa hawak yung dslr kong camera. I am taking photojournalism as my profession. Isa ito sa mga requirements ko as a photojournalist student. Our Professor asked us to take pictures at irereport namin ito sa klase. We should be reminded that the subject must be a person. Si Seff ang unang naisip ko kaya panay ang pagkuha ko ng stolen shots kanina sa may garden kasama siya habang naglalaro. The reporting will be tomorrow in front of the class. I sighed deeply. Makakaya ko 'to. Kaya nga ito ang kinuha kong kurso dahil alam ko sa sarili ko na di ito nangangailangan ng maraming paliwanag. The picture itself is already telling the story

