Hindi pa rin ako makapaniwalang nakayanan kong pumasok sa University ng walang absent. May himala nga talaga dahil nabuhay akong hindi lumiliban though palagi naman akong late sa mga klase ko. It's been one week since the school started, subalit kahit one week pa lang ay ubos na yung notebook ko sa kakadrawing ng kung ano-anu dun. Ang boring rin naman kasi ng mga professor na puro na lang satsat. Ngayon lang talaga ako nae-excite gumising dahil ngayon lang din yung tanging free day ko. Akalain mong P.E ko pala tuwing sabado? Ano bang magagawa ng P.E sa kurso na kinuha ko? Napakaewan. Kumalab na yung sikmura ko kaya ay naisipan kong bumaba na lang muna at kumain ng almusal. Hindi na ako nag-ayos pa dahil nakakatamad na. Komportable rin naman ako sa suot kong lose white shirt na hanggang

