I stood up from the sofa while I am carrying Ethan. Mabuti na lang at nasa mood ngayon yung anak ko dahil hindi man lang umiyak. Tahimik lang siya habang kinakarga ko. Hindi ko na namalayan ang takbo ng oras na sa tingin ko ay mahigit kalahating oras na ang nakalipas simula yung nangyari kanina. Nagpapakalma lang ata sila Dad at si Tito. Hinihiling ko na sana ay magiging okay rin ang lahat pero malaki rin ang pangamba ko na di na talaga mangyayari yun. Pumakawala ako ng isang malalim na buntong hininga nung binaling ko ang aking atensyon sa anak ko. Siguro nga ay tama talagang lumayo na lang kami pareho sa pamilya nila mommy. Kahit kasama doon ang paglayo kay Xylan. Iyon naman talaga ang plano ko in the very first place. Nagbago lang iyon dahil sa nangyari kanina. Mas lalo ko lang

