Chapter 125: Ice Kingdom's Coronation day. Sean's POV Nakatulala ako habang nakatanaw sa kawalan. Ilang minuto na lamang at magsisimula na ang pagpatong ng korona sa akin, kasabay ng pagpatong ng korona ay ang pagtanggap ng Responsibilidad na kaakibat nito. Malamig ang mata kong tumitig sa kawalan. Ngunit sa likod ng pagiging malamig ay nagtatago ang lungkot at pighati na pilit kong itinatago sa pinakailalim ng aking puso. Ngunit kahit na anong pilit kong pagtago ay rumereplekta ito sa aking gilid ng mata. Malalim akong huminga at mariing napapikit. Ito na naman, yung pakiramdam na gusto kong umiyak at sumigaw, ang bigat at ang sakit sa pakiramdam. I feel like the world is behind on my back. Just like what she did to me, five years ago. She left me again. She left me hanging. And I

