Chapter 67

3777 Words
Chapter 67: Chaos Winter's POV Naka upo ako rito sa aking kama rito sa loob ng tree house, matapos ng eksena namin ni Sean ay inayos ko ang aking sarili. Hindi puwede na magpadala ako sa kahit na ano na maaaring ikasira ng aking plano. ' I'm sorry but I need to do this.' Kanina pa ako nakatulala rito, nag iisip ng kung ano ano, hindi kase ako mapalagay. Nakapag bihis na ako kanina, suot ko ang pinutol kong pantalon at t shirt na naiwan ko rito sa Cabinet dito sa Tree house. Hindi ko niligpit ang mga gamit ko rito, sapagkat ito ang magsisilbing Hide out ko Oras na maisagawa ko ang plano. Kaya ko dadalhin sa Arzelia Kingdom sina Fariella, nang sa ganon ay hindi sila maging sagabal sa akin. I need to do this on my own, hindi ako matatahimik hangga't nakikita kong masaya sila. Nagbubunyi sa pagka panalo, maghintay lamang sila at darating ang aking paghihiganti. Nakapag desisyon na ako na maging cold sa kahit na sino, mas maigi na iyon kaysa naman maging sweet ako sa kanila tapos sa bandang huli ay mapapahamak sila. Mas pipiliin kong mapag isa ngayon, ayoko ng mawalan ng malapit sa buhay, nakaka trauma. Hindi ko na kakayanin pa kung mawawalan muli ako. Tumayo ako sa kinauupuan ko at nagtungo sa isang cabinet rito sa tabi ng aking Kama. Pagkabukas ko ng drawer ng cabinet ay bumungad sa akin ang back pack ko, kinuha ko ito saka naglakad muli paupo sa aking kama. Binuksan ko ang Bag at hinanap ko ang Cellphone. Nang makita ko ito ay kinuha ko ito, kasabay non ang paglapag ko ng bag sa tabi. Binuksan ko ang Cellphone ko dahil naka off iyon, pagbukas ay nakita kong 70% pa ang baterya. Mabuti naman at hindi pa siya low batt. Napatitig ako sa Wallpaper ko, Picture namin iyon ni Uncle, sa katititig ko ay may pumatak na tubig sa cellphone. Saka ko napagtanto na umiiyak pala ako habang nakatitig sa picture namin ni Uncle. "Uncle...Masaya ka ba riyan? ayos ka lang ba? kamusta kana? Ang daya mo e...Ang daya daya mo, ngayon na lang sana kita makikita muli e, tapos walang buhay ka pang haharap sa akin, tapos nung huling paguusap at pagsasama natin hindi pa maganda." "Umalis ako ng walang paalam sa iyo, k-kung hindi ba ako umalis ay mapupunta kaya ako rito? Ano kayang nangyari kung sumunod ako sa iyo?" "Uncle...I'm sorry, I'm really Sorry...Kung sana nakinig lang ako, kung sana ay naging masunurin ako, kung sana ay nagpaalam ako,k-kung sana..." Sabi ko sa sarili ko ay hindi na ako muling iiyak pa, ngunit heto at umiiyak pa rin ako. Hindi ko mapigilan, at kapag tungkol kay uncle ang pag uusapan ay nanghihina ako, parang kinakain ang lakas ko ng kung sino man. Hindi ko matanggap, at kahit kailan ay hindi ko matatanggap, lalo na at hindi pa ako nakaka paningil ng hustisya. Maniningil ako, at sisiguraduhin kong magsisisi sila sa ginawa nila kay uncle at sa mga magulang ko. Pinahid ko ang luhang umalpas sa aking mata, saka ako pumunta sa Gallery at muling pinagmasdan ang mga litrato namin ni Uncle noong kami ay magkasama pa sa mundo ng mga tao. Pinanuod ko ang lahat ng video namin, simple lang ang buhay namin noon, walang ganito, walang labanan at digmaan. Nagpapasalamat ako kay Uncle dahil kahit papaano ay naranasan kong mamuhay ng tahimik. Malayo sa digmaan, malayo sa kaguluhan. And now, I will do everything to get the justice, and to avenge my Uncle's dead as well as my parents death. Mahigpit akong napakuyom ng kamay, sisiguraduhin kong luluhod sila at magmamakaawa sa akin. Muli kong pinahid ang aking luha sa mata, ini off ko ang Cp saka ipinasok sa bag. Ibinalik ko ito sa kung saan ito nakatago. Saka ako humarap sa salamin, kinuha ko ang lipstick saka pinahid sa aking labi, kinuha ko ang itim na tinta at saka nilagyan ang aking mata. Ginawa ko iyong pang mascara at pang guhit sa Check liner sa aking mata. Pulang pula ang aking labi at mataas na nakaipit ang aking buhok. Napatitig ako sa aking repleksiyon sa salamin, Walang emosiyon na mababakas sa aking mata. Nanatiling naka poker face ang aking mukha. Nang makuntento sa aking itsura ay lumabas na ako mg silid. Paglabas ko ay dumiretso ako sa salas ng tree house. Naroon sila at mukhang ako na lamang ang inaantay. naglakad ako palapit sa kanila at mukhang ako ang inaantay nila. Naagaw ko ang atensiyon nila sapagkat sabay sabay silang nagsilingunan sa akin. Ngunit gaya ng aking napagdesisyunan ay hindi ako magpapakitang emosiyon at kahinaan sa kanila. Kaya naman nanatiling walang emosiyon ang aking mukha. Ramdam ko ang pagtitig niya ngunit wala akong pakielam, hindi ko siya pinansin at dire diretso lamang na pumunta sa unahan nila. "Maraming salamat sa paghihintay ngunit gaya ng aking sinabi kanina ay hihintayin niyo ako rito apat na araw mula bukas." Matapos sabihin iyon ay humarap ako kina Ian at Jayron. "And You will come too, we have an important matter to discuss, if you want to know and you want to volunteer yourself to help me then i will gladly accept your help. If you don't want then don't, no one is forcing you." "Today, I will go to Academy to spied with them, and tommorrow I'll go to Landrier Kingdom, and the next Day i will go to other kingdom to spied with them." "So I will bid my goodbye here, Let's talk and see each other after four days." Matapos sabihin iyon ay Mabilis akong nagteleport sa harap ng Tarangkahan ng Academy. Nakita ko pa na akmang sasagot at aalma sila ngunit hindi kona sila pinagbigyan pa dahil agad akong nagteleport. Sabi sa akin ni Kuya ay mahigpit na ang akademya, naghigpit ito magmula ng mangyari ang labanan sa pagitan nila Uncle. Pumikit ako sandali at nagpokus, dahan dahan kong pinagaan ang presensiya ko upang hindi madetect ng kahit anong alarm ang aking presensiya. Nang magawa iyon ay dumilat ako saka napangisi. Lumakad ako sa tarangkahan at mas lalo akong napangisi ng makitang hindi nga nag-alarm ang Detector. 'useless' ngunit nawala ang aking pagngisi nang makita ko ang ilang estudyante na nakasakay sa kabayo at palabas siguro ng Akademya. Mabilis akong tumalon sa Isang puno, nagpatalon talon sa taas ng puno upang makatawid sa mga susunod pang puno. Maingat ako kung tumalon nang sa gayon ay wala silang mapansin na kahina hinala. Saktuhan na nasa ibaba ang ilang estudyante at ako ay nasa taas ng tabi ng puno kung nasaan sila Lalampas. Hindi kona sana sila papansinin pa ngunit sa paglipat ko sa kabilang puno ay naputol ang sanga na tinatapakan ko. Kaya naman mabilis silang lumingon sa aking direksiyon, ngunit mabagal sila sapagkat mabilis kong nai activate ang pagiging Invisible ko. Napatingin ako sa lalaking walang emosiyon. diretsiyo siya nakatingin sa aking mata. 'Nakikita niya ba ako?' Hindi ko inalis ang pagkakatitig niya sa akin at nilabanan ko iyon, ngunit napansin kong tagos ang pagkakatitig niya sa akin kaya naman lumingon ako sa likuran ko at doon ay nakita ko ang isang uwak na itim na nakatitig rin sa akin? o sa kaniya. Nagulat ako kaya naman nawalan ako ng balanse at nahulog, bago pa ako lumagpak sa lupa ay Pinagaan ko ang sarili at lumutang sa ere. Napakagat labi ako ng maputol ang sanga na kinatatayuan ko kanina,diretso itong babagsak sa akin kaya naman mabilis akong lumipat ng puwesto. "Who's There?" "What are you talking about Zay?" "There's someone here, we are not alone." Napangisi ako ng malawak sa lalaking tinawag na Zay, malakas ang pakiramdam niya. "What? kung meron man ay malamang na sa entrance pa lang ng tarangkahan ay tumunog na ang alarm." "yeah, Maze is correct, what the hell are you talking about bro?" "If you don't want to believe then don't, I told you there's someone here." "Tsk whatever." "Maze let's go." "Zay, let's go, don't mind your hallucinations. It's just your imagination." Nauna nang magpatakbo ang dalawa niyang kasama ngunit siya ay nanatiling nakaupo sa kabayo niya na nakatigil at diretsong naka tingin sa uwak. Kitang kita ko ang pagdadalawang isip niya na wag umalis ngunit sa huli ay pinili niyang wag akong pansinin at umalis. Napahawak ako sa paa kong muntikan ng mabalian dahil sa dalawang beses kong pagkakahulog sa puno. hinilot ko iyon at pagkatapos ay tumayo ako at pumikit. Nagteleport ako sa loob ng house namin ni Autumn nung nag-aaral pa kami rito. Pagdilat ko ay nasa loob ako ng kuwarto ko, kaya naman pumunta ako sa aking kama at doon nahiga sandali. Napahinga ang malalim ngunit agad akong naging alerto ng marinig ko ang pag angat ng metal ng lock ng aking kuwarto. Kaagad kong inactivate ang pagiging Invisible ko. Kasabay non ang pagpasok ni Autumn sa aking kuwarto. Dire diretso siyang umupo sa tabi na aking kinahihigaan, tuloy ay para kaming magkatabi. nagulat pa ako ng humarap siya sa akin, nakatingin siya diretso sa aking mata ngunit alam kong tagos iyon sa akin. "Hays huhuhu...Namimiss na kita winter!" Sinabi niya iyon habang nakatingin sa aking mata, tsk hindi niya ba alam na magkatitigan kami? ay hindi pala kase tagos ang tingin niya sa akin. "Kung sana nandito ka ay marami na sana akong sinabi sa iyo! huhuhu! ang laki na ng pinagbago ng Academy! bawal na lumabas wahhh!" Napataas ang kilay ko sa sinabi niya, what does she mean by that? "Tapos yung S3 lang yung pwedeng lumabas! nakakainis! grrr!" S3? ano iyon? hindi kaya iyon yung tatlong estudyante na nakita ko sa gitna ng tarangkahan? Hindi ko na napigilan ang sarili ko at inalis ang pagiging invisible sa akin. Tuloy ay halos lumuwa ang mata niya sa gulat. Tsk. Kinusot-kusot niya pa ang dalawang mata saka hindi makapaniwalang tumitig sa akin. "Omg! kyahhh!" Pinisil niya ang magkabila kong pisnge. "f**k!" Hindi ko mapigilan ang mapamura dahil sa sakit. ilang beses niya iyong ginawa kaya naman napangiwi ako. "Omg winter! is that you?! for real?! waahhh!" "Tsk! lower down your voice!" "Kya----" Kaagad kong tinakpan ang bibig niga dahil sisigaw na naman siya. Pinanlakihan ko siya ng mata. "Autumn!" "Hmmmm!" Umungol siya ng malakas kaya naman tinignan ko siya ng masama, sinenyasan niya ako na alisin ang pagkakatakip ko sa bibig niya. Kaya naman tinitigan ko siya ng masama, pero makulit siya at tinignan niya ako ng nagmamakaawa. "tsk!" Kaya sa huli ay inalis ko ang pagkakatakip ng kamay ko sa bibig niya, bigla niya akong niyakap ng mahigpit saka impit pang sumigaw. "Wahhh! winterrrr! huhuhu! sorryyyy hindi na ako nakabalik ng Arzelia kingdom! e kase naman e! bawal na lumabas ng Academy huhu! kapag nag enroll ka rito stay in kana! bawal na lumabas hangga't di ka nakaka graduate huhu!" "What? who says that?" "Huhuhu si Headmaster! huhu utos daw ng tatlong hari! pero hindi pumayag ang kaharian ng Aerious Kingdom! magulo ang council ng Academy ngayon! hindi kase napayag yung Aerious Kingdom sa gusto ng tatlo pang kaharian!" "What?!" "oo huhuhu! baka siguro dahil wala na si King Aerion huhu, namatay ang hari namin! at kasalanan iyon ng tatlong Kaharian! ipaghihiganti ko si King Aerion!" Napa poker face naman ako sa sinasabi niya, tsk di ko maintindihan! "Pwede bang i explain mo sa akin ng Ayos? tsk." "huhuhu ganito kase yon, Magmula ng mamatay si King Aerion si Queen Martha na ang pumalit! dapat si Prince Sky kase siya ang crowned prince kaso tinanggihan niya kase masiyado pa daw siyang bata, kaya si Queen Martha na muna ang pumalit, pagkatapos ay pinutol nila ang ugnayan sa tatlong kaharian, kaya ngayon ay pinagtutulungan ang Aerious Kingdom ng Tatlo pang kaharian!" "Tapos diba hindi maaaprubahan ang kahit na anong desisyon kapag walang pahintulot ng apat na kaharian, kaya naman naguguluhana ang council ng Academy kase tumututol ang isang kaharian hindi puwede na ipatupad ang batas na iyon." "Ano ba kaseng batas iyon?" "Ang batas na bawal umalis ang sinumang estudyante na papasok sa loob ng akademya." Natigilan ako sa sinabi niya bakit naman bawal umalis? somethingis suspicious. I need to find it out. "Teka nga winter! paano ka nakapasok sa Akademya ng hindi tumutunog ang Alarm?!" tumitig lang ako sa kaniya at hindi pinansin, nasa isipan ko pa rin kung bakit ikinukulong ang mga estudyante rito. Siguro ay mayroong bagay rito sa loob ng Akademya na mahalaga sa kanila at kailangan nilang mahanap. O kaya naman ay mas may motibo pa sila. "Hoy winter!" "What? tsk." "sabi ko paano ka nakapasok?!" Napangisi naman ako sa naging tanong niya. "Sikretong malupit." "ihhhh! winter naman e!" Hindi ko siya pinansin bagkus ay tumayo ako, isunuot ko ang cloak ng t shirt na suot ko. "Teka! saan ka pupunta?" "magmamanman" "Hala! sama ako!" Natigilan akong muli sa sinabi niya, tinaasan ko siya ng kilay. "sigurado ka?" "oo hehehe! teka wait mo ako!" Mabilis siyang tumakbo palabas ng aking silid, kaya naman habang naghihintay sa kaniya ay pumunta ako sa bintana ng aking silid. Dito ay kitang kita ko ang kabuuan ng Field. Tanaw na tanaw ko ang iba't ibang estudyante na may kani kaniyang ginagawa. Malayo man sila ay malapit pa rin ang tingin ko at parang kaharap ko lamang sila. Dahil sa pagiging Advance ng aking paningin, isa ito sa ability ko. isa sa napakarami kong sixth sense. Hindi ko pa alam kung ano ano pa ang kaya kong gawin ngunit isa lang ang sigurado ako, iyon ay ang halos lahat ay kaya kong kopyahin at gawin. "Winter tara na!" Napalingon ako kay Autumn na nakaitim, sa suot niya ay hindi halata na babae siya. Nakasuot siya ng parang pantalon, fit iyon sa kaniya at isang long sleeves na itim, suot niya rin ang face mask na itim at ang hood na itim. pareho kaming nakaitim, yun nga lang ay naka tshirt at short lamang ako kaya halatang babae ako Dahil kitang kita ang malalaman kong binti. Lumapit ako sa kaniya saka siya hinawakan sa pulsuhan nagteleport kami mismo sa harap ng office ng aming Headmaster. "Omg Winter!" "Shut your mouth if you don't want to get caught tsk!" "Aye! aye! aye! captain!" Hyper niyang sabi sabay sara ng bibig na wari mo ay parang may zipper. Napailing na lamang ako, tsk kahit kailan ay napakakulit at ang ingay ingay niya, no wonder at bagay talaga sila ni Ian tsk. Inalis ko ang atensiyon ko sa kaniya at nilipat sa harap kung nasaan ay secured na nakasara ang pinto. pinagmasdan ko iyon ng mabuti at inalam kung meron Alarm rito. Lumapit ako rito saka iyon hinawakan, in-activate ko ang isa sa sixth sense ko na kayang makadaan sa mga solidong bagay. Tumagos ang kamay ko sa pinto, inabangan ko kung mayroong tutunog ngunit lumipas na ang ilang minuto ay wala pa din kaya naman napagdesisyunan kong pumasok. Dahil nga sa hila hila ko ang kamay ni Autumn ay napasama siya, kasabay ng pagpasok namin ay in-activate ko ang pagiging Invisibility ko. Sakto iyon dahil pagkapasok namin ay nagmemeeting ang tatlong hari kasama ang Headmaster ng Akademya. "Hah!" Hindi napigilang bulalas ni Autumn kaya naman dali dali kong tinakpan ang bibig ni Autumn. Sakto naman na tumingin sa direksiyon namin si King Frozer. Shit this! mabuti na lamang at naka invisible kami at nako. Pinandilatan ko ng mata si Autumn, mukhang na gets niya naman ang ibig kong sabihin dahil napanguso siya. Tsk, kahit kailan talaga ay napaka careless niya! "So it's settled then, Winter Will be Wanted in Arzelian." Bigla akong natigilan sa sinabi ni King Armeious, what does he mean by that?! "Yeah, in that way madali natin siyang makikita at mapapatay." Hindi mapigilan ang mapakuyom ng kamao sa mga naririnig ko. "What if tulungan siya ng mga pamangkin niyo?" Napataas ang kilay ko sa sinabing iyon ng Headmaster, hindi ko siya kilala ngunit base sa pagsasalita niya ay hindi ko siya makakasundo. "That wouldn't happen, I'll make sure na susunod sa akin si Sean." "Yeah my niece too, Ian will be mad if i tell him that it's winter who kidnapped his cousin, clerry my daughter." "yeah my son will be mad at her too because somehow Jayron Likes Clerry a lot." Sa kabila ng pagkakainis ko sa kanila ay hindi ko mapigilan ang mapangisi ng malawak. "Speaking of your daughter King Adam, do you have any idea where she is?" "Not yet, but I'll make sure I'll find her, I badly need her." "Yeah, we are not done yet with our Experiment, kaunting dugo sa kaniya ay makukumpleto na ang formula to become a powerful mages here in Arzelian and finally...We can be powerful, powerful than Arzel." So here's the reason why they want Clerry, anong mayroon sa dugo niya? saka anong experiment? "I'll post the Announcement later after our meeting, para bukas ay marami ng maghanap kay winter, magkakaroon ng pabuya ang kung sino mang makakapagdala kay winter dito sa Akademya." Pinakalma ko ang sarili ko dahil nanginginig sa galit ang buong kalamnan ko, gusto ko silang patayin ngayon ngunit alam kong hindi ito ang tamang oras. Nang makita kong malapit ng matapos ang pag memeeting nila ay nagteleport ako paalis sa lugar na iyon. Tahimik lang rin si Autumn, marahil ay narinig rin niya ang pag uusap ng tatlong hari tungkol sa akin. Hindi ko namalayan na nasa canteen na pala kami. Biglang tumunog ang aking tiyan kaya nagkatinginan kami ni Autumn, walang salita ay hinila niya ako papasok sa loob ng Canteen. Nagpahila naman ako, inupo niya ako sa isang upuan doon. Siya ang umorder, maraming tao ngayon sa Canteen siguro ay wala pang pasok at saka hapon na naman na. Maya maya pa ay dumating si Autumn na may bitbit na pagkain. Bigla akong natakam kaya naman agad kong sinunggaban ang pagkain na dala niya. Inubos ko iyon lahat, tapos na ako kumain ngunit si autumn ay kumakain na parang pinaglamayan. "Bilisan mong kumain." Napatingin lamang siya sa akin, isa iyong tingin na naaawa, ayoko sa lahat ng kinakaawaan ako kaya naman tinignan ko siya ng masama. Mabilis siyang nag iwas ng tingin. Napalingon ako sa entrance at isang grupo ng lalaki ang papasok may hila hila silang Babae na sa tingin ko ay isang Air Mage. "Aira!" Napatingin ako kay Autumn na biglang tumakbo sinundan ko siya ng tingin at nakitang pasalubong siya sa grupo ng mga lalaki. "kahit kailan ay gulo ang dala mo, f**k!" Napailing na lamang ako ng maagaw nila ang atensiyon ng lahat, lahat ng lalaki ay napatingin kay Autumn na ngayon ay wala ng hood at face mask. Using Her Sixth sense Speed ay mabilis siyang nakapunta at inagaw ang babaeng hila hila nila. Mabilis niyang iniupo iyon sa isang mesa. "tsk, tsk, tsk, Alixs...kahit kailan ay napaka pakielamero mo talaga." Hindi siya pinansin ni Autumn bagkus ay kinakausap niya ang babaeng sa tingin ko ay kaibigan niya tsk. "Aba't! hoy kinakausap ka ni pinuno!" Wala pa ring pakielam si Autumn kaya naman napikon ito at mabilis umamba ng suntok. Ngunit bago pa siya makasuntok ay mabilis na hinuli ni Autumn ang kamay niya saka matunog iyong binali. "Ahhhhhh! ang kamay ko!" malakas na sigaw ng lalaki, lahat ay nagulat sa ginawa niya, ngunit ako ay napangisi sa ginawa niya. Fearless girl. She's fearless but I'm more Fearless. Sunod sunod na sumugod ang lahat at lahat iyon ay kayang labanan ni Autumn. Ngunit naalarma ako ng makita ko ang isa na ihahampas sana ang upuan, kaya naman bago pa mangyari iyon ay mabilis akong nagteleport at sinalo ang upuan. Maraming nagsinghapan, marahan kong ibinaba ang hood na suot ko, at sa pagbaba ko niyon ay muli silang nagsinghapan ng malalakas. 'omg girl!' 'diba si winter iyan?!' 'gosh! i thought she's dead na pa naman!' 'lagot sila kay winter!' 'kyahhh! baka bumalik na rin ang apat na prinsipe!' 'omg! my idol!' 'kyahhh! winter you're so cool talaga!' Matunog akong ngumisi ng marinig ko ang bulungan ng bawat estudyante rito, so kilala pala nila ako tsk. "Let's go Autumn, wala tayong mapapala rito." Tumalikod ako at humarap kay autumn na ngayon ay naka alalay sa babaeng tinawag niyang Aira. ngunit napatigil ako ng maramdaman ko ang isang kutsilyo na patungo sa aking direksiyon. Pinatigil ko iyon isang metro ang layo sa aking ulunan. rinig ko ang muling singhapan ng bawat estudyante. Humarap ako sa naghagis niyon, ano bang gusto niya? tsk! "What do you want?" "y-yung laruan namin! ibalik niyo sa amin ang babaeng iyan!" Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. "Laruan? eh kung ikaw kaya paglaruan ko?" Napa atras naman siya sa sinabi ko, dahan dahan akong lumapit sa kanila ngunit napatigil ako ng makita ko sa di kalayuan ang tatlong hari. Mabilis akong lumingon kay Autumn at kinausap siya using Telepathy. 'Mauna na kayo sa House naten, hintayin niyo ako roon.' Ginamit ni Autumn ang kaniyang Speed kaya naman mabilis siyang nawala. Noon ay napangisi ako sa tatlong hari na walang emosiyon na nakatingin sa akin. Itinaas ko ang kamay ko, at mula roon ay isang naglalagablab na apoy ang lumabas. Mabilis na tumaas ang temperatura sa loob ng cantee, ang iba ay nagtakbuhan sa labas ngunit hindi ko sila pinayagang makalabas. Nilagyan ko ng Barrier ang bawat pintuan sa canteen, lahat ng maaring daanan ay hinarangan ko. Sari sari ang sigawan ng bawat estudyante kaya naman mas lalo kong pinalaki ang apoy. Nagsimulang masunog ang bubong at ang dingding ng Canteen. Maririnig mo ang Iyak ng bawat estudyante ngunit wala akong pakielam. Kinakain ako ng galit ko. Ngunit mariin akong napapikit ng mata ng may mapagtanto ako, Hindi naman kasalanan ng mga estudyanteng ito ang lahat. Kaya naman pinigilan ko ang pagkalat ng apoy ngunit hindi ko inalis. Ngumisi ako sa tatlong hari na ngayon ay masamang nakatingin sa akin. Bago ako magteleport ay mas nilakasan ko ang apoy, saka ako umalis sa lugar na iyon. Nasa sa kanila na iyon kung tutulungan nilang tatlo ang mga estudyante sa loob. Nagteleport ako rito sa loob ng house at doon ay nakita ko si Autumn. "let's go, we need to get out of here." Kumapit ako sa kanila at mabilis kaming nagteleport sa harap ng portal patungong Arzelia. Kusang bumukas iyon kaya naman tumawid kami doon. Pagkapasok ay bumungad sa amin ang ilang kawal na ngayon ay nakayuko. Nasa harapan nila si Kuya na masama ang tingin sa akin, napakamot ako sa kanang kilay at hindi makatingin kay kuya. Panigurado ay sandamakmak na sermon ang aabutin ko. "Winter. Kaye. Arzel. where have you been?!" To be continued... ⓒ "Kayeyukot"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD