Hindi kailanman Simula nung nakita ko sila na naghahalikan parang hindi ko na alam kung anong ginagawa ko. Nakabalik ako sa cafeteria ng wala sa sarili, tulala ako habang kumakain. I can't even look at my friends, natatakot ako na baka umiyak nalang ako bigla. Mahina ako, 'yun ang totoo. Ginagawa 'kong defense mechanism ang pag-iisa at pagtatago ng mga problema para makita ng lahat na ayos lang ako. Bumalik kami sa klase namin ng hindi kami nagkikita ni Zico. Hindi rin siya pumunta sa cafeteria para sabayan kami kumain, baka masaya na siya sa piling ni Millan. Bahala sila, sinisira niya na agad ang tiwala ko. Nang makabalik kami sa room ay naabutan ko si Zico na naghihintay sa labas. Hindi ko siya tinapunan ng tingin at tuloy tuloy na pumasok sa loob ng room. Nagtataka 'man ay hinayaan

