Floating Restaurant Naging sobrang busy kami sa nagdaan na mga taon, nandyan si Zico para samahan ako sa pag break down ko sa mga requirements sa college. Magkasama kami na nagdadasal para sa exams namin, magkasama kaming nagrereview. Hindi ako nagkamali na isipin na hindi magiging hadlang ang relasyon namin sa pag-aaral. Natuto ako magtiwala dahil sa kanya, kaya ko na rin i-express ang sarili ko ngayon kaysa noon. Ang apat na taon sa kolehiyo ay nagturo sa akin ng maraming bagay. Zico also taught me many things in life, he really proved that he's trustworthy. Apat na taon na relasyon, lahat worth it. Ngayon naka-itim na toga na kaming dalawa, dahil pareho lang ang bilang ng taon ng kurso namin, sabay kaming natapos. Siya bilang Magna c*m Laude, ako bilang isang c*m Laude. Nagpapicture

