Casey Nagkagulo ang mga tao nang madapa ang anak ko at ang anak ni Cosette. Hindi man lang umiyak si Kent, pero si Casey ay agad na pumalahaw ng iyak. Agad naman siyang inalo ni Kent, hindi kami makapasok sa loob dahil palaro ito sa mga bata. Punong puno ng putik ang mukha at katawan nila. Hindi pa rin tumitigil ang dalawa na hulihin ang biik. Ngayon dinaos ang fiesta sa Fuga Island, sa bayan dahil masyadong private ang mismong Isla. Dumayo kami rito at sinama ko si Cosette at Kael, si Naih at Lander. Wala si Darrel at Zades, wala ring kaming balita sa kanila. “Hey, stand up.” Seryosong sambit ng anak ni Cosette na si Kent. Natawa ako dahil ang anak ko ay panay pa rin ang hikbi. The kids badly wanted to join the game, so they continue. Naghiyawan ang mga tao nang wala nang mapuntahan an

